Nakaalis na ang ilang grupo ng sasali sa Celebrity Edition ng Survivor Philippines at aalis na rin si Richard Gutierrez, ang host ng naturang reality show.
Sobrang confidential ang mga impormasyon ng reality show na ito ng Kapuso Network pero may mga ilan pa ring nakararating na info sa amin pero walang gustong magkumpirma at tikom ang bibig ng mga staff sa naglalabasang impormasyon.
Hindi sinasabi kung saan gagawin ang taping pero hanapin na lang daw namin sa isa sa mga isla ng Thailand at Myanmar.
Ang mga celebrities involved ay hindi na namin papangalanan pero ang ilan sa mga con firmed na kasali ay ang:
- guwapo at hunk model kasama
- seksing aktres na girlfriend nito
- isang dating sexy actress na sexy at maganda pa rin ngayon kahit nanganak na.
- ang socialite model
- miyembro ng isang banda
- isang bading na stand-up comedian
- host ng isang late-night show
- isa pang co-host ng programang ayaw tayong patulugin.
Tinodo muna ni Richard ang promo ng pelikula niyang In Your Eyes dahil matagal nga siyang mawawala eh sa susunod na buwan na ang playdate nito.

