Ilan sa mga miyembro ng boy-band na XLR8 na regular na lumalabas sa Party Pilipinas ng GMA7 ang mga napipisil na gumanap sa TV series ng TV5 na Bagets kasama ang isang kapatid ni Aga Muhlach na isa sa mga original Bagets.
Hindi raw babaguhin ang plot ng TV version ng Bagets na pito ang bida, lima ang babae at dalawa ang lalake. Sa mga babae naman ay dalawa sa mga miyembro ng girl-band group ng Pop Girls ang kukuhanin.
Posible itong mangyari dahil maganda ang ugnayan ng Viva ngayon at TV5. Ang kaso lang, payagan kaya ito ng GMA?


