Maganda ang panimula ng pinakabagong dramarama seryeng “Sinner or Saint” ng GMA noong Lunes. Nagtala ang Sinner or Saint (PILOT) ng 5.1% laban sa katapat nitong Kapamilya Blockbusters: Bala At Lipstick (ABS-CBN) 3.2% sa AGB Nielsen People Ratings (June 13, 2011)
Simula pa lang ‘yan at siguradong magugustuhan pa ninyo ang mga susunod na tagpo sa seryeng ito. Ito ang pinakaunang serye ni Bianca King sa GMA7 kung saan siya ang bida kasama ang nagbabalik-Kapusong si Alessandra de Rossi, Dennis Trillo at Polo Ravales.
Mapapanood ang Sinner or Saint pagkatapos ng Blusang Itim.

