Natural na natural na humarap si Marian Rivera sa kanyang mga fans sa naging Grand Fans Day niya noong Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas sa Imperial Palace Suites. Walang duda na marami talagang fans si Marian dahil punong-puno ang venue. Kasama rin ang mga kaibigan niya sa press na dumalo sa munting salu-salo. Ang manager niyang si Popoy Caritativo ay dumalo rin para alalayan si Marian sa pag-iistima ng mga fans.

Nakikanta si Marin kasama ang banda at nagpalaro pa. Kwelang-kwela si Marian dahilan para lalong mahalin siya ng kanyang mga fans. Hindi siya Bawat table sa room na ‘yun ay talagang inikot ni Marian isa-isa para lalo namang maging sulit ang paghihintay ng mga fans. Nakikamay pa siya at nagkaroon ng picture taking sa bawat table.

Tanging hiling ni Marian ngayongbirthday niya ay “peace of mind”.

Nagawa pa ni Marian gumawa ng status message para sa kanyang mga fans thru her 1M and still counting Fan Page.

http://www.facebook.com/MarianRiveraFanPage
Naririto ang kanyang message:
hi sa mga sumusuporta sa akin, mahal ko kayo. Salamat sa bumubuo nito 🙂
love, Marian R.

Wala raw facebook or twitter acount si Marian. Marami lang talaga siyang Fan Pages na umaani ng maraming likers na nangangahulugang marami talaga ang naniniwala at sumusuporta sa kanya.

Share