Aries (Mar 21 – Apr 19)
Lagyan ng spice ang iyong araw. Subukan mong pumunta sa iyong favorite place o kaya’y ilayo muna ang sarili sa social media para matapos mo ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maaaring lumaki ang tensyon sa inyong samahan ngayong araw, kaya naman siguraduhing ayusin ninyo ang anumang away bago matapos ang araw.
Money/Career:
Hindi pa ito ang tamang panahon para maisipan mong lumipat o magpalit ng trabaho.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maganda ang araw na ito para i-reassess ang iyong buhay at iprioritize ang mga bagay na importante sa iyo ngayon. Hindi ito ang panahon para maging tamad.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para gumala kasama ang iyong partner.
Singles: Pag-isipan mong mabuti kung plano mong pumasok sa isang relasyon. Kilalanin mo muna siyang mabuti.
Money/Career:
Maaaring dumami ang iyong mga gastusin kaya naman mas mabuting magtipid na muna sa ngayon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
May unexpected na gawain ang ibibigay sa iyo ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil magagawa mo naman ito nang maayos.
Love:
Singles: Maaaring kiligin ka ngayong araw at mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa iyo.
Couples: Kung balak na ninyong magpakasal, huwag muna ito gawin kung may problema kayo sa inyong pamilya.
Money/Career:
Huwag masyadong magpa-stress sa trabaho. Magiging poor ang iyong performance kung lagi na lang masakit ang iyong ulo.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maraming bagay ang gumugulo sa iyong isipan. Kaya naman subukan mong tumulong sa iba para maging busy ka at mawala sa isip mo ang mga ito.
Love:
Couples: Mukhang nakakaapekto na ang iyong trabaho sa status ng iyong relasyon. Kung masyado ka nang stressed, huwag mo ito ibaling sa iyong partner.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang partnership, alamin mo muna kung afford mo ba na kumuha ng isang professional o hindi.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging mas madali ang iyong mga gawain kung tatanggap ka ng tulong mula sa iba. May mga bagay lang talaga na mas madaling gawin kung hindi ka nag-iisa.
Love:
Couples: Magiging romantic ka ngayong araw sa iyong partner at maaaring ikabigla niya ito. Pero huwag mag-alala dahil sure naman na kikiligin siya sa gagawin mo.
Money/Career:
Para kang bata kahit nasa trabaho kaya naman kinagigiliwan ka ng iyong mga kasama.
Lucky color: Violet
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mag-ingat ka ngayong araw lalo na kung may balak kang bilhin. Maaaring mapagastos ka ng mas malaki sa iyong balak at pagmulan ito ng away.
Love:
Couples: Huwag masyadong malihim sa iyong partner. Sabihin sa kanya ang ilan sa iyong mga alinlangan lalo na kung matagal mo na itong pinoproblema.
Money/Career:
Maaaring mapahamak ka ngayong araw lalo na kung hindi mo mapipigilan ang iyong bibig sa pagsasalita.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para tapusin ang anumang pending na gawain. Magkakaroon ka rin ng motivation para tumulong sa iba.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ipakita sa iyong partner kung gaano siya kahalaga sa iyo. Subukan siyang sorpresahin at tingnan mo ang kanyang magiging reaction.
Money/Career:
Magiging maganda ang araw nito para sa iyo dahil mukhang tatanggapin ng mga tao ang iyong mga ideya.
Lucky color: Brown
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman kung may problema ka, huwag kang mahiyang i-share ito sa iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: Maaaring magkaroon ka ng pagkakataon na makasama ang isang tao na nagpapasaya sa iyo at malapit sa iyong puso.
Money/Career:
Huwag maging pabaya sa iyong trabaho. Kahit na sanay ka na sa iyong ginagawa, hindi ibig sabihin na hindi ka na maaaring magkamali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging busy ang araw mo ngayon. Maaaring magkaroon ka ng mga bisita at magplano kayo ng isang outing. Maaaring panahon na rin para iparenovate ang inyong bahay.
Love:
Couples: May chance na masyado ka nang nagiging busy sa iyong trabaho kaya naman nawawalan ka na ng oras sa iyong partner.
Money/Career:
May matatanggap kang magandang career oppportunity galing sa iba. Pero bago ito tanggapin, pag-isipan mo muna itong mabuti dahil tiyak na magastos ito.
Lucky color: Dark Grey
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging creative ka ngayong araw. Kaya naman magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa art ang trabaho.
Love:
Couples: Malalaman mo na ngayong araw kung anong desisyon ang kailangan mong gawin. Kung hindi ka na masaya sa inyong relasyon, umaksyon ka na.
Money/Career:
Maaaring mapagastos ka ngayong araw sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan.
Lucky color: Dark Violet
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring magkaproblema ka ngayong araw at malaki ang posibilidad na may kinalaman ito sa iyong pamilya o mga kamag-anak.
Love:
Singles: Muli kang magiging close sa isang tao na may nagawang kasalanan sa iyo. Maaaring panahon na para magsimula kayo ng bago.
Money/Career:
Kung may balak kang mag-abroad, ayusin mo na ang iyong mga dokumento para maiwasan mo ang mga problema.
Lucky color: Green
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sa iyo, kahit na tutol dito ang iyong pamilya. Patunayan mo sa kanila na tama ang iyong ginagawa.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang efforts ng iyong partner. Kung wala kang panahon para sa kanya, mabuting palayain mo na lang siya.
Money/Career:
May mga oportunidad na darating sa iyo ngayong araw. Huwag kang matakot na sumubok ng ibang paraan para kumita ng pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2