Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang padalos-dalos. Hindi makakatulong sa iyo kung lagi mo na lamang minamadali ang iyong mga dapat gawin.
Love:
Couples: Sanay kang ayusin ang sarili mong problema. Pero kung ise-share mo ito sa iyong partner, maaaring makatulong siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kailangan ay maging mas sensitive ka sa feelings ng ibang tao. Makakatulong ito para maging tama ang mga gagawin mong desisyon.
Love:
Couples: Kung gusto mo na mas lalo pang maging matatag ang inyong relasyon, dapat ay handa kang isantabi ang iyong ego para sa iyong partner.
Money/Career:
Unti-unti ka nang nakakabawi sa iyong mga nagastos noong nakaraan. Kaya naman magbudget ka na para hindi na ito maulit.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang handa ka na para tumanggap ng mga bagong proyekto. Huwag kang mag-alala dahil tiyak naman na magagawa mo ito ng maayos.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para i-level up ninyo ang inyong samahan.
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakalaan sa iyo ngayong araw.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at darating din ang araw na magiging successful ka sa iyong career.
Lucky color: Cream
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong umalis sa iyong comfort zone lalo na kung gusto mong maging versatile. Makakatulong din ito para hindi ma-bore sa iyo ang mga tao sa iyong paligid.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo. Kaya naman huwag mong kalimutang magpakita ng interes sa kanya.
Money/Career:
Maging alisto ka. Maaaring may magkamali sa iyong mga kasama at tiyak na maaapektuhan ka rito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may problema ka, mas maganda kung ioopen-up mo ito sa iyong mga kaibigan para naman gumaan kahit papaano ang iyong kalooban.
Love:
Couples: Kung nag-eeffort ang iyong partner para sa iyo, maging thankful ka sa kanya kahit na feeling mo hindi sapat ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Hindi naman masama magbiro, pero dapat alam mo kung kailan ka dapat tumigil at baka nakakasakit ka na ng damdamin ng iba.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging productive ka ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat para mapabilib mo ang mga tao sa iyong paligid.
Love:
Singles and Couples: Kung meron kayong nakaaway, mas maganda kung makikipagbati ka na sa kanya para wala na masyadong bumabagabag sa iyong isipan.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para subukan ang iyong suwerte. Tumaya ka sa lotto o kaya’y sumali sa isang contest at baka ikaw ang mapili.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung feeling mo ay masyado kang pagod, mas mabuting lumiban muna sa klase o trabaho para naman makabawi ang iyong katawan.
Love:
Couples: Maaaring nawawalan ka na ng oras sa iyong partner dahil sa iyong trabaho. Mahaba naman ang kanyang pasensiya pero malapit na siyang magtampo sa iyo.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang makapag-ipon sa ngayon kaya naman bawasan mo na lang ang iyong mga gastos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Marami kang dapat gawin ngayong araw kaya naman magiging busy ka buong maghapon. Kung magkakaroon ka ng time para magpahinga, gawin mo ito.
Love:
Couples: Kung may hihilingin sa iyo ang iyong partner, pagbigyan mo siya lalo na kung kaya mo naman itong ibigay.
Money/Career:
Kung ikaw ay may job interview ngayong araw, iwasan mong kabahan lalo na kung gusto mo talaga makuha ang posisyon.
Lucky color: Violet
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maging emosyonal ka ngayong araw kaya naman mahihirapan kang magdesisyon ng tama. Mas mabuting humingi ka ng tulong sa ibang tao.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-enjoy mo lang kasama ng iyong partner. Kung wala naman kayong balak umalis ng bahay, ayos lang din ito.
Money/Career:
May bagay ka na magugustuhan at tiyak na pag-iipunan mo ito. Kaya naman pilitin mong hindi gumastos sa mga susunod na araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman kung kailangan mo ng kausap, tiyak na merong tao na handang makinig sa iyo.
Love:
Singles and Couples: Mas maganda kung maglalaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya. Kaya naman i-treat mo sila sa labas ngayong araw.
Money/Career:
Dahil sa iyong kasipagan sa trabaho, maaaring makatanggap ka ng reward sa iyong boss.
Lucky color: Violet
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may plano ka gumala pagkatapos ng iyong klase o trabaho, mas mabuti kung tatapusin mo ang iyong mga gawain ng mas maaga para tiyak na matuloy ka.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, sorpresahin mo siya at magcelebrate kayo ngayong araw.
Money/Career:
Magagawa mong iinspire ang iyong mga katrabaho para naman matapos na ninyo ang isang gawain na dapat ay matagal nang tapos.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging maganda ang takbo ng araw na ito para sa iyo. Kaya naman mas mabuti kung i-maintain mo ang pagkakaroon ng positive vibes sa mga susunod na araw.
Love:
Couples: Bantayan mo ang iyong temper at baka masigawan mo ang iyong partner ng hindi mo sinasadya.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para gumawa ng something na bago para naman hindi masyadong boring ang iyong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23