Aries (Mar 21 – Apr 19)
Wala ka namang dapat alalahanin, pero hindi mo pa rin magawang hindi mag-alala. Magrelax ka lang at magiging maayos din ang lahat.
Love:
Couples: Mukhang may magandang mangyayari sa inyong relasyon. Kaya naman kung gusto ninyo magcelebrate, gawin ito.
Money/Career:
Para hindi ka matambakan ng trabaho, maging masipag ka at huwag na tamarin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
May mga pagbabagong mangyayari sa buhay mo. Pero huwag ka masyadong kabahan dahil mukhang papabor naman ang mga ito sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi sang-ayon ang iyong partner sa mga gagawin mo, mas mabuting huwag na lang makipagsagutan sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, mas mabuting tapusin mo na lang ang koneksyon mo sa kanya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may malaking chance na may matanggap kang regalo mula sa isang kaibigan ngayong araw. Huwag kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Couples: Mukhang magiging complicated ang relasyon mo ngayong araw. Kaya naman mas mabuting ayusin na agad ang mga problema para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpastress sa iyong trabaho. Enjoyin mo ito kahit na papaano.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Alamin mo muna kung ano ang iyong gusto. Kung hindi mo rin ito mapaglalaanan ng oras, mas mabuting huwag na magcommit dito.
Love:
Singles: Maging nice ka sa mga taong makakasama mo ngayong araw. Malay mo, may taong magustuhan ka dahil dito.
Money/Career:
Dapat mo na aksyunan ang isang problema. Huwag mo na itong hintaying lumaki pa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong matakaw ngayong araw dahil may malaking posibilidad na sumakit ang iyong tiyan at magkaproblema ka sa daan.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na lumabas ngayong araw. Manood kayo ng sine o kaya’y i-treat mo siya sa isang dinner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa politics ang trabaho.
Lucky color: Dark Brown
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging positive ka lang palagi. Mas magiging magaan ang buhay mo kung hindi ka masyadong nega.
Love:
Couples: Kung meron kayong dapat na i-celebrate na dalawa, gawin ninyo ito. Gawin ninyong memorable ang araw na ito.
Money/Career:
Maaaring ma-delay ang pera mo. Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado naman na darating ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong magtiwala sa isang kaibigan ngayong araw. Marahil siya lang ang makakatulong sa iyo kaya naman dapat huwag kang magdoubt sa kanya.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Maaari mo siyang bigyan ng isang mamahaling regalo.
Money/Career:
Mabusisi ka sa iyong trabaho kaya naman madalas ay napupuri ka ng iyong boss.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 27
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na magreklamo at gawin mo na lamang ang mga bagay na inuutos sa iyo lalo na kung ayaw mong mapagalitan.
Love:
Singles: Kung talagang gusto mo siya, magbigay ka ng effort. Ipakita mo sa kanya na importante siya sa iyo.
Money/Career:
Subukan mong kausapin ang iyong boss lalo na kung gusto mo na mapromote sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang makihalubilo sa mga taong panay puna sa kanyang kapwa. Mas lalo ka lang mapapalapit sa gulo kung sasama ka sa mga ganung tao.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw. Bantayan mo lang mabuti ang mga kilos niya.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magtiwala ka muna sa iyong mga hinala at kutob. May malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Couples: Kahit may pinagdaraanang matindi ang iyong partner at nagiging sakit na siya sa ulo, huwag mong kalimutang bigyan palagi siya ng suporta.
Money/Career:
Kung meron kang sariling business, may malaking chance na swertehin ka ngayong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung naguguluhan ka sa mga nangyayari sa iyong buhay ngayon, mas makakabuti sa iyo kung susubukan mong magsimba at humingi ng guidance.
Love:
Singles: Mukhang magiging seryoso ka na sa buhay. Hindi ka na rin basta-basta pumapatok sa kung sino-sino para masabi lang na meron kang love life.
Money/Career:
Kung meron kang job interview na paparating, may malaking chance na swertehin ka rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging maingat ka sa iyong mga gawain ngayong araw. Kung magpapabaya ka, may malaking chance na magkamali ka at ulitin mo ang iyong mga ginawa.
Love:
Couples: Gumawa ka ng something special para sa iyong partner ngayong araw.
Singles: Mukhang malaki ang chance na makita mo ngayong araw ang taong nakatadhana para sa iyo.
Money/Career:
Iwasan mo munang magpahiram ng pera kahit kanino ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21

