Aries (Mar 21 – Apr 19)
Siguraduhin mong inaalagaan mo ang iyong sarili. Iwasan mo munang kumain ng mga malalamig na pagkain.
Love:
Couples: Mukhang mas lalo ninyo pang maiintindihan ang isa’t-isa. Kaya naman growing strong na talaga ang relasyon ninyo.
Money/Career:
Kung may balak kang pumasok sa isang investment, mukhang ito na ang tamang panahon para gawin ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magagawa mo na tapusin ang isa mong obligasyon ngayong araw. Kaya naman may chance ka na para gawin ang isang bagay na talagang gusto mo.
Love:
Couples: Kung stable naman ang inyong relasyon, marahil ay hindi naman masama para kayong dalawa ay maglive-in together.
Money/Career:
Kung lagi kang busy sa iyong trabaho, mawawalan ka talaga ng oras para gawin ang ilan sa iyong hobbies.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang mahihirapan kang gumawa ng desisyon. Kaya mas mabuti kung gagawin mo ang bagay kung saan ka magiging panatag.
Love:
Couples: Malaki ang posibilidad na maging iritable ka ngayong araw dahil sa kakulitan ng iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi ka talaga sigurado sa dapat mong gawin, mas maganda kung susundin mo kung ano ang nasa puso mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na maging tamad ka ngayong araw. Kaya naman magiging sakit ka sa ulo ng iyong mga kasama.
Love:
Couples: Hindi kailangang magmadali sa isang relasyon. Take your time at magiging stable din ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong humanap ng ibang trabaho, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong mastress sa mga maliliit na bagay. Huwag mong hayaang masira ang araw mo dahil sa mga ito.
Love:
Couples: Panahon na para pag-usapan ninyong dalawa ang mga bagay na gumugulo sa inyong samahan.
Money/Career:
Huwag kang mahihiyang kausapin ang iyong boss. Makakatulong sa iyo kung pararamihin mo ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na magsaya ka paminsan-minsan. Pero siguraduhin mo lang na meron pa ring matitira sa iyong budget.
Love:
Couples: Kung parehas ang trabaho ninyong dalawa, may malaking chance na magiging maayos ang takbo ng inyong relasyon.
Money/Career:
Hindi pa ito ang tamang oras. Huwag kang magpapressure sa mga nakakatanda sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gawin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo. Ikaw lang ang mapapagalitan sa huli kung uunahin mo ang ibang bagay.
Love:
Couples: Tibayan mo lang ang loob mo. Kung meron man kayong problema sa ngayon, magagawa ninyo itong lampasan nang magkasama.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong kinikita sa ngayon, kung kaya mong magsideline, gawin mo ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung ikaw ay isang estudyante, magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung meron kang exam na paparating.
Love:
Singles: Huwag kang maging atat. May taong nakatadhana para sa iyo, kaya naman maghintay ka lang.
Money/Career:
Kung magrereklamo ka tungkol sa iyong trabaho, siguraduhin mo na walang ibang makakarinig sa iyo, lalo na ang iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maging tensyonado ka ngayong araw. Kaya naman mas makakabuti sa iyo kung kakalma ka lamang.
Love:
Couples: Kung lagi ka na lang stressed sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para itigil ninyo na lang ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Marami ka pang dapat harapin na mga issue sa iyong buhay, kaya naman paglaanan mo ito ng panahon para maayos mo kaagad ang iyong mga problema.
Love:
Singles: Hindi porke ay marami kayong similarities ay kayo na ang nakatadhana sa isa’t-isa. Huwag maging mababaw.
Money/Career:
Magiging demanding ang araw na ito para sa iyo, kaya naman hindi ito ang panahon para maging tamad ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na may taong magbigay sa iyo ng isang regalo. Kaya naman huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Couples: Huwag kang mahiyang magtanong ng mga personal na bagay sa iyong partner. Kung game naman siya, sasagutin ka niya.
Money/Career:
Kung meron kang sariling business, may malaking chance na swertehin ka ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Sundin mo kung ano ang talagang gusto mo. Huwag kang magpadikta sa ibang tao lalo na kung hindi ka rin magiging cooperative dito.
Love:
Couples: Maaaring maging aggressive ang iyong partner ngayong araw. Kaya naman hindi malayong magtaka ka sa mga ikikilos niya.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para ilibre mo ang iyong mga kaibigan, lalo na kung meron kang gustong icelebrate ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 3

