Aries (Mar 21 – Apr 19)
Pagplanuhan mo kasi ang mga lakad mo para naman matupad ang mga ito. Iinform mo rin in advance ang friends mo para makasama sila.
Love:
Couples: Kung nagtataka ka sa mga ikinikilos ng iyong partner kamakailan, may malaking chance na malaman mo na ang sagot dito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong makipagkwentuhan sa iyong mga katrabaho kung ayaw mong mapagalitan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Iwasan mong magpabago-bago ng isip. Magstick ka na lang sa desisyon mo para hindi ka masabihan na balimbing.
Love:
Couples: Mukhang active na active ang social life mo ngayon kaya naman medyo nahihirapan ang iyong partner na sumabay sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may problema ka ngayon, i-relax mo lang ang isip mo. Makakaisip ka rin ng solusyon para rito kung hindi magulo ang iyong utak.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo. Talasan mo lang ang iyong mga mata dahil tiyak na marami ang magkakagusto sa kanya.
Money/Career:
May malaking posibilidad na lumipat ka ng ibang work lalo na kung hindi mo na gusto ang mga kasama mo sa trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang kahit na may gusto kang gawin, kukulangin ka sa oras at resources kaya naman madidisappoint ka rin sa huli.
Love:
Couples: Iwasan mo na ang pagiging isip-bata. Mahihirapan lang ang partner mo kung palagi ka niyang inaalala.
Money/Career:
Bago ka mag-invest sa isang bagay, pag-aralan mo muna ito lalo na kung masyadong maganda ang offer sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung panay parinig ang ibang tao sa iyo, lumayo ka na lamang at huwag mong ibaba ang level mo sa kanila.
Love:
Singles: Ang taong nakatadhana sa iyo ay nasa malapit lang. Huwag kang mag-alala dahil siya ang gagawa ng first move sa iyo.
Money/Career:
Kahit na hindi maging maganda ang araw mo ngayon, isipin mo na lang na malalampasan mo rin ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Hindi mo kailangang magmadali. Huminahon ka lang at magdahan-dahan para hindi ka magmakamali sa iyong mga gagawin.
Love:
Couples: Kahit na maganda naman ang iyong intensyon, hindi ito magugustuhan ng iyong partner at baka pag-awayan ninyo pa ito.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, mas mabuting kausapin mo sila para naman hindi sila ilang sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka na makipagtalo sa mga taong matitigas ang ulo. Maiistress ka lang kung ipagpapatuloy mo ang pakikipag-usap sa kanila.
Love:
Couples: Kahit na hindi masyadong maganda ang takbo ng iyong relasyon, isipin mo na lang na pagsubok lamang ito na dapat ninyong lampasan.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na matapos mo ang iyong mga pending na trabaho ngayong araw.
Lucky color: Gold
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na pagkakitaan mo ang isa mong hobby. Ito na ang sign para magtayo ka ng sarili mong business.
Love:
Singles: Kung hindi mo pa feel magkaroon ng partner, huwag mong pilitin ang sarili mo. I-enjoy mo na lang ang pagiging single mo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin ang isang bagay na matagal mo nang pinag-iipunan.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung gusto mong maimpress ang iyong boss, galingan mo sa iyong trabaho. Tapusin mo agad ang mga gawain na ibibigay niya sa iyo.
Love:
Couples: Mas mabuti kung hindi ka muna makikipagtalo sa iyong partner. Umayon ka muna sa mga gusto niya.
Money/Career:
Kung hindi ka sinusunod ng iyong mga kasama, mas mabuting gawin mo na lang mag-isa ang iyong gawain at huwag na silang isipin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na busy ka sa iyong mga gawain, huwag mong kalimutang i-pamper ang iyong sarili. Magrelax ka rin para hindi ka mukhang stressed.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para pumasok ka sa isang relasyon. Malaki ang chance na handa ka na emotionally para rito.
Money/Career:
Kung may darating na career opportunity sa iyo, huwag ka na magdalawang-isip at kunin na ito kaagad.
Lucky color: Cream
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng iyong araw. May chance din na may taong bumisita sa iyo kaya maghanda ka para sa kanya.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, humingi ka ng tulong sa ibang tao na may pakialam sa iyo.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat para makatipid kahit papaano.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi ito ang oras para magdalawang-isip ka pa. Kung meron kang naisip na magandang ideya, gawin mo ito.
Love:
Couples: May chance na maging clingy ka sa iyong partner. Baka magtaka siya rito at isipin na may kailangan ka lang sa kanya.
Money/Career:
Ito na ang panahon para gawin mo ang iyong mga responsibilidad at huwag takasan ang mga ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13