in ,

Daily Horoscope: December 8, 2017 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may taong tutulong sa iyo ngayong araw. Pero tiyak na magugulat ka dahil hindi mo aakalaing tutulungan ka niya.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin sa malayo dahil may taong nagkakagusto sa iyo na nasa iyong palagid lamang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 5

Taurus (Apr 20 – May 20)
May mga sorpresa na darating sa iyo ngayong araw. Pero huwag ka masyadong magpanic dahil puro naman ito good news.
Love:
Couples: Okay lang na maging busy ka sa iyong trabaho. Pero siguraduhin mo ring naglalaan ka ng oras para sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 25

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging busy ka ngayong araw. Kaya naman hindi ito ang tamang oras para maging tamad ka at magpetiks sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito magbonding kayong magpartner. Mamasyal kayo sa mga park o kaya’y kumain sa inyong favorite resto.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi ito ang tamang oras para tamarin ka. Marami ka pang dapat gawin at hindi mo ito pwede ipaubaya sa ibang tao.
Love:
Singles: Close ka nga sa taong gusto mo, pero sad lang at wala siyang pagtingin sa iyo kahit na kaunti.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain nang walang problema.
Love:
Couples: Maniwala ka sa sinasabi ng iyong partner. Huwag ka makikinig sa mga tsismis tungkol sa iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang plano na magtrabaho abroad, may chance na matupad ito lalo na kung ayos mo na ang iyong requirements.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 27

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung emosyonal ka ngayong araw, mas mabuti kung hindi ka muna gagawa ng mga mabibigat na desisyon dahil baka pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner araw, kaya naman mas mabuti kung aayon ka na lang sa mga gusto niya.
Money/Career:
Huwag mo ipakita sa iyong trabaho na natatakot ka. Dapat ay maging confident ka lang palagi.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Marami ka pang dapat na gawin, pero huwag mo mamadaliin ang mga ito dahil malaki ang chance mo na magkamali.
Love:
Long-distance couples: Mahirap man na malayo kayo sa isa’t-isa, tandaan ninyo na hindi nakakaapekto ang distansya sa dalawang taong nagmamahalan.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuti kung lumiban ka na lang muna sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw, kaya naman bilhin mo lang ang mga bagay na talagang kailangan mo.
Love:
Couples: Maaaring makatanggap ka ng advice galing sa iyong partner. Kailangan mo itong sundin lalo na kung ayaw mong masermonan ng iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. Kaya naman kahit nakakatakot ito sa simula, may dala naman itong swerte sa iyo sa huli.
Love:
Couples: Lumabas ka kasama ng iyong partner ngayong araw. Mamasyal kayo o kaya kumain sa inyong favorite na resto.
Money/Career:
Meron ka namang naitabing pera. Pero kung hindi ka mag-iingat, maaaring maubos ito kaagad.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May gusto kang bilhin ngayong araw, pero mukhang hindi pa sapat ang iyong pera para rito. Hintayin mo na lang na mag-sale ang item na ito.
Love:
Singles: Kung gusto mong magka-love life, dapat ay iparamdam mo sa mga tao na socially available ka. Iwasan mong maging masungit.
Money/Career:
Kung masipag ka naman sa iyong trabaho, tiyak naman na magiging successful ka rito. Maghintay ka lang ng tamang oras.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 5

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas mabuti kung gagawin mo na agad-agad sa umaga ang iyong mga gawain, para pagsapit ng hapon ay pwede ka na magpahinga.
Love:
Couples: Dahil sa hindi ninyo pagkakaintindihan, maaaring mahirapan kang magtiwala sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag kang titigil sa iyong trabaho. Huwag mong pakinggan ang sasabihin ng ibang tao lalo na kung negative naman ang mga ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 13

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan. Gawin ninyo lang ang lahat ng mga bagay na enjoy ninyong gawin.
Love:
Singles: Yayain mo ang iyong mga kaibigan para manood ng sine o kaya’y mamasyal. Hindi ito ang oras para magpakalunod ka sa stress.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30

Comments

Written by Adrian Bigno

Civil engineer by degree, photographer and graphic designer by heart.

Kapuso and Kapamilya stars represent the country in Blue Star Awards in Vietnam

Carla Abellana lauds Gardo Versoza’s acting performance in “Kambal Karibal”