Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa isang tao at dahil dito, mag-iingat ka lalo sa tuwing kasama mo siya.
Love:
Couples: Kung nag-away man kayo, maganda ang araw na ito para pag-usapan ito at para magkabati na rin kayo.
Money/Career:
Kung meron kang bagong pinagkakaabalahan, maganda kung ginagawa mo ang lahat para magtagumpay rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang gustong sabihin, isipin mo muna kung appropriate ba ito lalo na kung ayaw mong sumama ang tingin nila sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka na magalit sa iyong partner. Kung meron ka mang hindi nagustuhan, hindi naman niya ito sinasadya.
Money/Career:
Dapat ay maging competitive ka sa iyong trabaho, para naman gumanda-ganda ang iyong performance.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang suswertehin ka naman ngayong araw, kaya naman huwag ka na matakot gawin ang isang bagay na hindi mo masyadong gamay.
Love:
Singles: Isipin mo muna kung ano ba talaga ang hanap mo sa isang relasyon bago ka maghanap ng iyong magiging partner.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng sakit ngayong araw kaya naman mas mabuting uminom ka kaagad ng gamot.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na pagkakitaan mo ng malaki ang isang bagay lalo na kung meron itong kinalaman sa visual arts.
Love:
Couples: Kung medyo masama ang pakiramdam mo ngayon, makinig ka na lang muna sa mga soulful music para gumaan ang iyong loob.
Money/Career:
Huwag ka magpaapekto sa iyong mga kasamang negative sa buhay.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang marami ka pang kailangang tapusin ngayong araw kaya naman kumilos ka na habang maaga para maaga ka ring matapos.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para kumain sa labas kasama ng iyong mga kaibigan. Malay mo at malibre ka pa.
Money/Career:
May malaking chance na maloko ka ngayong araw kaya naman huwag ka munang maglabas ng pera.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging demanding ang araw na ito para sa iyo. Kaya naman mas mabuting huwag ka na lang magpaistorbo sa iba para matapos ka kaagad.
Love:
Couples: Merong susubukang bago ang iyong partner, kaya naman suportahan mo siya at huwag pagtawanan sa kanyang gagawin.
Money/Career:
Dahil sa iyong attitude, mukhang bagay sa iyo na maging host ng isang party.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang meron kang pinaghahandaang event na paparating, kaya mas mabuting alagaan mo ang iyong sarili para hindi ka magkasakit.
Love:
Singles: May malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Kung meron kang pinoproblema, ayusin mo muna ito para hindi na ito makaapekto pa sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging okay naman ang araw mo, pero maaaring magbago ito lalo na kung magpapaapekto ka sa isang maliit na bagay.
Love:
Couples: Mukhang magiging aggressive ka ngayong araw at may malaking chance na magtaka ang iyong partner kung bakit.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na sulit ito para sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may problema sa ngayong ang inyong pamilya. Mas mabuting dito ka muna magfocus para maayos ito kaagad.
Love:
Singles: Mukhang may ibibigay sa iyo ang isa sa iyong mga kamag-anak. Huwag mong kalimutang magpasalamat.
Money/Career:
May chance na dagsain kayo ng clients o customers ngayong araw kaya naman bilisan mo ang pagkilos.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong akuin ang kasalanan ng iyong kaibigan. Maaaring madamay ka sa isang problema na wala ka naman talagang kinalaman.
Love:
Couples: Huwag ka na mainsecure sa ex ng iyong partner. Ikaw ang importante sa kanya sa ngayon kaya huwag ka na mapraning.
Money/Career:
Huwag ka mainggit sa achievements ng ibang tao. Galingan mo rin kasi para magkaroon ka rin.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung confused ka sa mga nararamdaman mo, mas mabuting huwag ka na lang muna gumawa ng isang major decision hangga’t hindi ka pa sigurado.
Love:
Singles: Hindi mo naman kailangang magmadali na magkaroon ng love life. Darating din ang taong nakalaan para sa iyo kaya chill ka lang.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mag-alala sa iyong trabaho. Tama naman ang ginagawa mo kaya push mo lang iyan.
Lucky color: Rose
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung para naman sa ikabubuti mo ang sinasabi nila. Magpasalamat ka pagkatapos.
Love:
Singles: May malaking chance na muli mong makita ang iyong ex. Kung gusto niyang makipagbalikan, dedmahin mo na lang.
Money/Career:
Huwag ka na magreklamo sa mga inuutos sa iyo ng iyong boss. Sumunod ka na lamang para hindi ka mapagalitan.
Lucky color: Green
Lucky number: 9