Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung pinayuhan ka ng isang matanda, sundin mo siya. Mukhang naexperience niya na un kaya ka binigyan ng advice.
Love:
Couples: Mukhang may something na nagbago sa iyong partner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang matutuwa ka naman dito.
Money/Career:
Kung gusto mong umalis na sa isang partnership, gawin mo na ito habang maaga pa.
Lucky color: Gold
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong sirain ang iyong momentum. Kung nasimulan mo nang gawin ang isang bagay, ituloy mo ito hanggang matapos.
Love:
Couples: Mukhang may gagawin ang iyong partner na ikalilito mo. Magmasid-masid ka muna sa kanyang mga kilos.
Money/Career:
Kung merong kang taong pinautang dati, may malaking chance na bayaran na niya ito ngayon.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para bigyan mo ng tamang oras ang isang bagay na dapat ay dati mo pang nasimulan.
Love:
Couples: Kumalma ka lang. Tiyak naman na may solusyon sa iyong mga problema kaya naman mag-isip ka lang nang mabuti.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang company, maaaring makatanggap ka na ng balita tungkol dito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo ito ipilit sa iba dahil tiyak na maiinis lang sila sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mong icompare sa ibang relasyon ang inyong pagsasama. Huwag kang gumawa ng isang bagay na pagmumulan ng problema.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung gusto mong makapag-move on, dapat mong i-let go ang mga bagay na pumipigil sa iyo para magawa ito.
Love:
Couples: Maglaan ka muna ng mas maraming oras sa iyong pamilya at mag-isip ka ng activity na pwede ninyong gawin.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong katrabaho lalo na kung napakapasaway niya.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may malaking chance na magkamali sa isang desisyon. Kaya naman mag-isip ka munang mabuti bago ka magsalita.
Love:
Couples: Kahit na maganda naman ang inyong pagsasama, hindi ninyo pa rin maiiwasan ang away sa inyong relasyon.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para magpakitang-gilas ka sa iyong boss.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gawin mo namang challenging ang buhay mo. Subukan mo ang mga bagay na hindi mo madalas nagagawa at malay mo ay magkaroon ka ng bagong hobby.
Love:
Singles: Hayaan mo lang ang ibang tao sa kanilang mga sinasabi. Kung saan ka masaya, iyon ang gawin mo.
Money/Career:
Kung wala ka namang kinalaman tungkol sa isang bagay, mas mabuting huwag ka na makialam dito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, mas mabuting layuan mo na lang siya para sa ikabubuti mo.
Love:
Couples: Mukhang hindi magiging maganda ang mood mo ngayong araw, kaya kahit anong gawin ng partner mo ay hindi ka pa rin magiging maayos.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magagawa mong bayaran ang iyong utang sa isang tao ngayong araw, kaya naman magiging maganda ang mood niya.
Love:
Singles: Ienjoy mo lang ang pagiging single mo. Tandaan mo na marami kang bagay na hindi na pwedeng gawin kapag ikaw ay may partner na.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa iyong trabaho dahil kapag nahuli ka, tiyak na malilintikan ka.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang madali mong mahuhulaan ang mga susunod na mangyayari kaya naman magagawa mong takasan ang isang problema.
Love:
Couples: Kung naging busy ka kamakailan, dapat ay maglaan ka ng oras ngayong araw para sa iyong partner.
Money/Career:
Tandaan mo na may mga araw talaga na mamalasin ka. Kaya naman mas mabuting huwag ka na lang magpastress dito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na tumulong ka sa ibang tao. Pero dapat ay aware ka rin kung inuuto ka lang nila.
Love:
Singles: Mukhang alam mo na kung ano ba talaga ang hinahanap mo sa isang partner. Kaya naman kapag dumating siya, huwag mo na siyang pakawalan.
Money/Career:
Okay lang naman na humingi ng advice sa isang pro. Basta siguraduhin mo lang na susundin mo ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Iwasan mong uminit ang iyong ulo ngayong araw. Magrelax ka lang at baka masira lang ang iyong mood.
Love:
Couples: Subukan mong maging romantic sa iyong partner at baka sakaling makinig na siya sa mga sinasabi mo.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga ginusto ang trabaho mo sa ngayon, maaaring magquit ka rito in the future.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7