Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto o kaya’y pumunta ka sa isang peryahan at baka tamaan mo ang jackpot.
Love:
Singles: Mukhang magaling ka naman makipagflirt sa ibang tao. Pero tandaan mo na kung nakikipaglaro ka lang, huwag kang maattach.
Money/Career:
May malaking chance na makapunta ka sa abroad dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago ka pumayag sa isang deal, pag-isipan mo muna itong mabuti para naman hindi ka maipit sa isang sitwasyon na hindi mo ginusto.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa handa sa isang relasyon ang taong nagugustuhan mo. Kaya kung feel mo talaga siya, habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Mukhang okay naman ang status ng iyong career, pero hindi pa rin tumitigil ang pagdating ng iba’t-ibang opportunities sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 30
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magkakaroon ka ng problema ngayong araw habang bumibyahe. Kaya naman siguraduhin mo na may back-up plan ka.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na gumawa ng isang outdoor activity, lalo na kung napapansin mong tumataba na siya lately.
Money/Career:
Hindi naman masamang regaluhan mo ang iyong sarili ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging mahigpit sa iyo ang iyong pamilya lalo na kung nagkaroon kayo ng problema dahil sa isang kamag-anak.
Love:
Couples: Bago ka gumawa ng isang mabigat na desisyon, tanungin mo muna ang iyong partner kung ano ang masasabi niya rito.
Money/Career:
Marami ang tutulong sa iyo ngayong araw. Huwag mong kalimutang magpasalamat.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may malaking chance na makita mong muli ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Maaaring may hatid siyang balita sa iyo.
Love:
Singles: Bago ka pumasok sa isang romantic relationship, ipaalam mo muna ito sa iyong mga magulang para hindi sila mabigla.
Money/Career:
Marami ka pang commitments na dapat gawin, pero huwag mag-alala dahil matatapos mo naman ang lahat ng mga ito.
Lucky color: White
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mas mabuting ilayo mo na lang ang iyong sarili sa ibang tao lalo na kung feeling mo ay bad influence sila sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang makakapagdesisyon ka na rin ngayong araw at may kinalaman ito sa iyong partner.
Money/Career:
Kung masyadong malayo ang iyong bahay sa iyong trabaho, mas makakabuti kung hahanap ka muna ng malapit na matitirhan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao. Okay lang na malaman nila na may mga bagay kang hindi kayang gawin na mag-isa.
Love:
Singles: Makinig ka sa iyong sarili. Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang relasyon, huwag mo itong pilitin at baka magsisi ka lang.
Money/Career:
Kung may opportunity na dumating sa iyo para makapagtrabaho sa isang mas magandang company, kunin mo na ang pagkakataong ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang kaya mo namang solusyunan ang iyong mga problema kaya naman hindi mo na kailangan pa ang ibang tao.
Love:
Couples: Kung going steady naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
Kung meron kang naitabing pera, gamitin mo ito para makapagtayo ka ng iyong sariling business.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may mangyayari sa iyo ngayong araw na hindi mo magugustuhan, pero huwag ka masyadng mag-alala dahil hindi naman ito grabe.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo ang suporta ng iyong partner sa mga panahong ito, kaya naman huwag mong kalimutang lumapit sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap ka na magandang job offer, pero pag-isipan mo muna ito dahil tiyak na nasa malayo ito.
Lucky color: violet
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging okay naman ang araw na ito para sa iyo, pero maaaring masira rin ito lalo na kung magpapaapekto ka sa isang maliit na bagay.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner. Matigas talaga ang ulo niya kaya naman ikaw na lang ang mag-adjust.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para pumasok sa isang investment lalo na kung matagal mo na itong pinag-iisipang gawin.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw kaya naman may chance na sabihin ka ng mga friends mo kung gaano ka ka-blooming.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner. Huwag ninyong hayaang pag-awayan ninyo ang isang maliit na bagay.
Money/Career:
Okay lang naman na may gawin kang risky ngayong araw, lalo na kung gusto mo talaga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may malaking chance na makapagtravel ka sa isang sikat na lugar. Kaya naman magtipid ka na para marami kang mabili na pasalubong.
Love:
Singles: Mukhang wala naman masyadong ganap sa iyong buhay sa ngayon. Mas mabuting ilaan mo na lang ang iyong oras sa mga importanteng bagay.
Money/Career:
Kung merong oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo ito kaagad lalo na kung ayaw mong maagawan ng iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 29

