in ,

Daily Horoscope: April 19, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung mahilig kang magdrawing, mukhang magiging maswerte ang araw na ito para sa iyo at marami kang maiisip na ideya para rito.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong makipagflirt sa taong gusto mo at baka maturn-off siya lalo na kung napakaclingy mo.
Money/Career:
Kung meron kang hindi naiintindihan, magtanong ka sa taong may-alam. Huwag ka manghula.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong hayaang maging bitter ka sa nakaraan. Matutong magmove-on at i-let go ang mga bagay na nagpapasakit sa iyo.
Love:
Couples: Kung papairalin mo ang iyong ego, tiyak na magkakaroon kayo ng problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Humingi ka ng advice sa iyong mga kaibigan lalo na kung hindi ka pa makagawa ng desisyon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7

Gemini (May 21 – Jun 20)
Okay lang naman na magkamali ka lalo na kung hindi mo ito sinasadya. Gumawa ka na lang ng paraan para maitama ito.
Love:
Couples: May chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman hindi ka masyadong makakagawa ng tamang desisyon.
Money/Career:
Maaaring maging hectic ang iyong schedule lalo na kung hindi mo magawang bilisan ang iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung feeling mo ay may maitutulong ang iyong gagawin para sa isang tao, ituloy mo ito at magtiwala ka sa iyong sarili.
Love:
Singles: Kung naghahanap ka ng taong maaari mong maging partner, magiging maswerte ang araw na ito para sa iyo.
Money/Career:
Marami ka pang dapat na i-achieve, kaya naman ipagpatuloy mo lang ang pagiging consistent mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Solusyunan mo na agad ang iyong problema lalo na kung ayaw mong lumaki pa ito. Mahihirapan ka lang lalo sa huli.
Love:
Couples: Subukan ninyong gumawa ng kakaiba ngayong araw para hindi naman masyadong maging boring ang inyong relasyon.
Money/Career:
Hindi importante kung marami ang challenges na dapat mong harapin. Ang importante, hindi ka susuko.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 21

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Pagplanuhan mo ang iyong mga gagawin para naman hindi ka mataranta at malimutan ang mga dapat mong asikasuhin.
Love:
Singles: Mukhang crush din ng iyong bestfriend ang iyong crush at maaaring magkaroon ng rivalry sa pagitan ninyong dalawa.
Money/Career:
Kung may balak kang makipagkita sa iyong mga dating kaklase, gawin mo ito lalo na kung meron kang balak na ipropose sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 30

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Para hindi maging boring ang iyong araw, subukan mong gumawa ng bago kasama ng iyong mga kaibigan. Maaaring magkaroon kayo ng bagong hobby dahil dito.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner, lalo na kung nagtatampo siya sa iyo. Lambingin mo kasi siya para mawala na ang inis niya sa iyo.
Money/Career:
Panahon na para palawakin mo ang iyong mga koneksyon sa iyong trabaho.
Lucky color: Libra
Lucky number: 29

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may problema sa ngayon ang iyong kaibigan at may malaking chance na mailabas niya ang kanyang sama ng loob sa iyo.
Love:
Couples: Subukan mong iinvolve ang iyong partner sa isang bagay na hilig mong gawin. Maaaring maging bonding moment ninyo rin ito.
Money/Career:
Mukhang may magkakamali na subordinate ngayong araw at tiyak na maaapektuhan nito ang iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi naman grabe ang isang sitwasyon, huwag mo na ito bigyan pa ng panahon dahil mukhang lilipas din naman ito.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nakakamove on sa iyong nakaraan at nagiging maganda na ang awra ng iyong mukha.
Money/Career:
Kung hindi ka makakapagpahinga, tiyak na maiistress ka na naman dahil sa iyong mga gawain.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 26

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo ito ipagpilitan sa ibang tao kung ayaw mong mainis sila sa iyo.
Love:
Singles: Kailangan mong malaman kung anong bagay ang pumipigil sa iyo para makamove on ka sa iyong nakaraan.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang status ng iyong finances ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang nagbago ka na nga talaga. Hindi ka na basta nagiging mainitin ang ulo at nakikinig ka na rin sa sinasabi ng ibang tao.
Love:
Singles: Kung may taong magpapakilala sa iyo, mag-ingat ka dahil hindi mo alam kung ano talaga ang balak niya.
Money/Career:
Kung magiging consistent ka sa iyong trabaho, tiyak na makukuha mo rin ang promotion na inaasam mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka magmadali. Lalo ka lang magkakamali kung hindi mo masyadong pag-iisipan ang iyong mga ginagawa.
Love:
Singles and Couples: Kung may free time kayo, yayain ninyo ang inyong pamilya na kumain sa labas para makapagbonding naman kayo.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at tiyak na makukuha mo rin ang gusto mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Rose
Lucky number: 29

Comments

Luis Manzano argues with netizen about his alleged offensive jokes towards Bayani Agbayani

TV REVIEW: ‘Since I Found You’, Smart, Affectionate, and Charming