Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag na matigas ang iyong ulo. Sundin mo na lang ang ipinapayo sa iyo para matapos na ang iyong problema.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay umamin sa kanya.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong mga ginagawa at magiging successful ka rin sa iyong napiling career.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may chance na magkaroon kayo ng outing ng iyong barkada. Mag-ipon ka na para naman makasama ka.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para umibig muli at dahil diyan, magiging blooming ka sa paningin ng ibang tao.
Money/Career:
Kung may inalok sa iyo at sa tingin mo naman ay kaya mo ito, tanggapin mo na ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang maganda ang araw na ito para ikaw ay umiwas muna sa pangingialam sa problema ng ibang tao.
Love:
Couples: Mag-ingat ka ngayong araw dahil malaki ang chance na maging lapitin ka ng tukso. Maging matibay para sa iyong partner.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, talaga namang kinaiinggitan ka ng iyong mga katrabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may taong kumikilos nang palihim para lamang siraan ka, kaya naman mag-ingat ka sa mga taong makakasama mo.
Love:
Singles: Kung marami kang manliligaw, huwag ka muna pumili kung sino sa kanila ang dapat mong sagutin.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng interview kamakailan, may malaking chance na makatanggap ka ng good news tungkol dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung naging mabuti ka sa iyong kapwa, tiyak na may good karma na darating sa iyo. Magpasalamat sa anumang matatanggap.
Love:
Singles: Kung wala ka pang love life, huwag ka masyadong malungkot at mukhang hindi pa ito ang tamang oras.
Money/Career:
Kung meron kang plano na mag-invest sa isang property, ito na ang panahon para simulan mo ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman bawas-bawasan mo muna ang panonood mo ng mga drama.
Love:
Singles: Mukhang magiging busy ka na naman sa iyong mga gawain kaya hindi ka masyado makakapagbigay ng oras para sa iyong love life.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung kaya mo namang tumulong sa iyong kamag-anak, gawin mo ito lalo na kung minsan lang naman silang humingi ng tulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung magpapaapekto ka sa stress, tiyak na magkakaroon ito ng negative effect sa relasyon ninyo ng iyong partner.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na malugi ka at mawalan ka ng pera.
Lucky color: Black
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maganda ang araw na ito para maglaan ng oras sa iyong pamilya. Mag-isip ka ng group activity na pwede ninyong gawin.
Love:
Couples: Huwag ka basta-basta gumawa ng desisyon lalo na kung hindi mo ito masyadong pinag-isipan. Marami ka namang oras para mag-isip.
Money/Career:
Gamitin mo ang pagiging charming mo para mapapayag ang isang tao sa iyong gusto.
Lucky color: Gold
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hahayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Singles: Madali kang ma-bore sa mga bagay na paulit-ulit. Mas mabuting maghanap ka ng bagong hobby para naman mabuhayan ka.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para ibahin mo ang iyong ugali sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin ngayong araw dahil may malaking chance na may masabi kang sikreto sa iba.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Ipakita mo sa kanya kung gaano siya ka-special sa iyo.
Money/Career:
Kahit na gusto mo ang iyong trabaho, kung toxic naman ang iyong mga kasama, mas mabuti na umalis na lang dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka dahil kahit na gusto mong umasenso, may mga tao talaga na gagawin ang lahat makita ka lang na bumagsak.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong maging romantic sa iyong partner, hindi mo ito magagawa lalo na kung busy ka masyado.
Money/Career:
Kung merong opportunity na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad lalo na kung ayaw mong maunahan ka ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong hayaang maiipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Kung hindi, mahihirapan ka nang umalis rito.
Love:
Couples: Puntahan ninyo ang isang lugar na special sa inyo at ilaan ang araw na ito para maging romantic sa isa’t-isa.
Money/Career:
Maaaring madelay ang iyong perang hinihintay. Pero huwag mag-alala dahil sure naman na darating din ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19