Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi mo sigurado kung kaya mong pagkatiwalaan ang isang tao, huwag ka muna gumawa ng deals sa kanya kahit siya na lang ang option mo.
Love:
Singles: Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Marami kang ginagawa na kahanga-hanga para sa ibang tao.
Money/Career:
Iwasan mong maging tamad ngayong araw. Konting tiis na lang at makakapagpahinga ka rin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna gumawa ng aksyon, lalo na kung marami pang pwedeng mangyari. Kumilos ka na lang kapag wala ka na talagang choice.
Love:
Couples: Ienjoy ninyo lang ang araw na ito. Subukan ninyong pumunta sa isang memorable place at magrelax.
Money/Career:
Mukhang may sisimulan kang bagong proyekto sa mga susunod na araw. Gawin mo ang lahat para maging matagumpay ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi mo man ma-solo ang isang bagay, mag-eenjoy ka pa rin naman na gawin ito kasama ang ibang tao.
Love:
Couples: Minsan ay kailangan mo ring pigilan ang gagawin ng iyong partner lalo na kung sa tingin mo ay makakasama ito sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa achievements ng ibang tao. Maging masipag ka lang at darating din ang swerte sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo na kulitin ang isang tao kung sinabihan ka na niya. Ikaw lang ang malilintikan sa kanya kapag pinagpatuloy mo ito.
Love:
Couples: Huwag mo muna agad husgahan ang iyong partner kung may mali siyang nagawa. Marahil ay may mabigat lang siyang dinadala.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka sumuko sa isang bagay na naumpisahan mo na. Hindi bale na late ka, at least alam mong natapos mo ito.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay maghanap ng partner. Magfocus ka muna sa iyong sarili.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna magpaistorbo ngayong araw, lalo na kung masyadong marami ka pang nakatambak na trabahong gagawin.
Love:
Singles: Kung may taong handang makinig sa iyo, sabihin mo lang sa kanya ang iyong mga problema para naman gumaan ang iyong loob.
Money/Career:
Galingan mong mabuti sa iyong trabaho dahil may malaking chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kapag may nalaman kang isang bagay ngayong araw, huwag mo muna itong ipagkalat dahil malalaman nila na ikaw ang may gawa noon.
Love:
Singles: Kung may taong nagkakagusto sa iyo, subukan mo munang ientertain siya at baka magbago ang isip mo sa kanya.
Money/Career:
Magcommit ka muna sa iyong trabaho, lalo na kung gusto mo talagang gumanda ang status ng iyong career.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka basta-basta magbibigay ng advice sa iyong kaibigan dahil may tendency ang ilan sa kanila na sisihin ka sa huli.
Love:
Couples: Mukhang unti-unti mo nang nakikita ang tunay na kulay ng iyong partner. Ikaw lang makakapagsabi kung matatanggap mo ba ito o hindi.
Money/Career:
Kung ipagpapatuloy mo ang pagiging masipag sa iyong trabaho, hindi malabo na makakuha ka ng promotion this year.
Lucky color: Cream
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Makinig ka na lamang sa sasabihin ng iyong kaibigan. Magtiwala ka sa kanya dahil alam niya ang kanyang ginagawa.
Love:
Couples: Kahit na mahirap ang sitwasyon ninyo sa ngayon, kakayanin ninyo naman ito basta’t kayo ay magkasama.
Money/Career:
Huwag ka kaagad magagalit sa isang tao lalo na kung maliit lamang ang kanyang nagawang mali.
Lucky color: Grey
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawin mo ang lahat para makuha mo ang tiwala ng isang tao, lalo na kung gusto mo talagang mapalapit sa kanya.
Love:
Couples: Kung gusto mong sorpresahin ang iyong partner, subukan mong baguhin ang iyong pananamit at tingnan mo ang magiging reaksyon niya.
Money/career:
Kung sa tingin mo ay gigipitin ka sa pera, huwag ka muna tumingin ng mga naka-sale online para hindi ka ma-tempt na bumili.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may taong magalit sa iyo, lalo na kung may ginawa kang mali kahapon.
Love:
Couples: Huwag mo na pahirapan ang iyong sarili sa kakaisip sa mga simpleng problema, dahil halos lahat sa mga ito ay lilipas lang.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang deal, siguraduhin mo muna na legal ito para hindi ka magkaroon ng problema sa dulo.
Lucky color: White
Lucky number: 13
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung marami kang experience sa isang bagay, tiyak na makakaisip ka ng maraming ideya para diskartehan ito.
Love:
Singles: Kung ayaw mo pa sa isang seryosong relasyon, marahil ay sabihin mo ito kaagad para hindi mag-expect sa iyo ang isang tao.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong mga natutunan para madali mong matapos ang isang bagay.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19

