Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may pagbabago na magaganap sa iyo bukas kaya naman may chance na hindi matuloy ang mga binabalak mo.
Love:
Couples: Nagtitiwala naman sa iyo ang iyong partner, kaya dapat ay ganun din ang ibigay na tiwala mo sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung ikaw ay naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi mo man magustuhan ang mangyayari sa iyo bukas, tiyak naman na may lesson kang makukuha rito.
Love:
Couples: Maging excited ka ngayong araw dahil may malaking chance na may iregalo sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpastress sa mga kasama mo dahil may chance na mahilo ka lang sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magrelax ka na lang muna ngayong araw. Kung marami kang free time, subukan mong puntahan ang isang malayong lugar.
Love:
Couples: Kung meron kang inaalala, sabihin mo ito sa iyong partner para naman hindi na siya mag-alala sa iyo.
Money/Career:
May malaking chance na makapag-abroad ka, lalo na kung meron kang kakilala na doon na nagtatrabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang ito na ang tamang panahon para seryosohin mo ang isang bagay. Ipakita mo sa ibang tao ang tunay mong kakayahan.
Love:
Singles: Diskartehan mo na ang taong nagugustuhan mo, lalo na kung ayaw mo siyang maagaw ng iba.
Money/Career:
Huwag ka mainggit sa mga gamit ng ibang tao. Matutong makuntento sa kung anong meron ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na iwasan ang iyong mga trabaho. Mas maganda kung uumpisahan mo ang mga ito nang maaga para matapos ka kaagad.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado, huwag ka muna umaksyon. Tiyakin mo muna ang iyong mga gagawin para hindi ka mapahiya.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang magshare ng knowledge lalo na kung gusto mong mapabilis ang paggawa ng iyong mga kasama.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo bilhin ang isang bagay, lalo na kung may malaking chance na itambak mo lang ito sa iyong kwarto sa huli.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mong muli ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Kung merong offer na trabaho sa iyo, kunin mo agad ito lalo na kung ayaw mong maunahan ka ng iba.
Lucky color: Rose
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo naman gusto ang pinapagawa sa iyo ng isang tao, sabihin mo ito sa kanya at baka hindi lang siya aware.
Love:
Singles: Bigyan mo ng second chance ang isang tao lalo na kung pinakita niya naman sa iyo na nagsisisi na siya.
Money/Career:
Kung bitin ka sa kinikita mo, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng sideline.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na bigyan mo ng isang regalo ang iyong kaibigan, lalo na kung naging mabait siya sa iyo kamakailan.
Love:
Couples: May malaking chance na may gustong sumira sa inyong relasyon, kaya naman mas mabuti kung babantayan ninyo ang bawat isa.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong gawain, magpahinga ka muna kahit saglit para naman mabawasan ang iyong stress.
Lucky color: Silver
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw. Ikaw na ang bahala kung gusto mo itong ishare sa iyong mga kaibigan at pamilya.
Love:
Couples: Mahihirapan ka talagang maglaan ng oras sa iyong partner, lalo na kung masyadong hectic ang iyong trabaho.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong trabaho ngayong araw, dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw, dahil tiyak na ikaw ang lalabas na talunan sa huli.
Love:
Couples: Kung medyo boring ang inyong relasyon, subukan ninyong maghanap ng bagong hobby na ieenjoy ninyo.
Money/Career:
Magdalawang-isip ka muna bago ka pumayag na pumirma tungkol sa isang investment.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Pakinggan mo muna ang sasabihin ng ibang tao. Huwag mo muna sila pangunahan at baka meron din silang point.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung hindi na kayo madalas na nakakapaglaan ng oras sa bawat isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka naiintindihan ng ibang tao, magpaliwanag ka nang mabuti. Huwag mo rin masyadong bilisan ang pagsasalita.
Love:
Couples: Suportahan mo ang gagawin ng iyong partner, kahit na gaano pa ito ka-weird at parang hindi bagay sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo gusto ang ginagawa mo, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng bagong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 26