Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang concern lalo na kung may kinalaman ito sa iyong kamag-anak, huwag kang mahiyang sabihin ito sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Kung seryoso ka na talaga sa inyong relasyon, dapat ay gumawa ka na ng paraan para maging mas stable ang inyong samahan.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para piliin mo ang isang career kung saan hindi ka masyadong mapipilitan sa iyong mga gagawin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na hintayin na sitahin ka pa sa iyong pagkakamali. Gawan mo na ito agad ng paraan para hindi ka na mapagalitan.
Love:
Singles: Huwag ka na lang muna makialam sa problema ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madawit sa problema nila.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Pakinggan mo muna ang sasabihin sa iyo ng ibang tao at may malaking chance na may point naman sila.
Love:
Singles: Huwag mo na pilitin ang sarili mo na magkaroon ng love life. Kusa itong darating kaya magfocus ka na lang muna sa iyong sarili.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera sa iyong kaibigan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo muna ipagkalat ang isang bagay sa iyong mga kaibigan, lalo na kung hindi ka naman sigurado na totoo ito.
Love:
Couples: Kung hindi ka naman seryoso sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner para hindi mo na siya lalo pang masaktan.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang proyekto na biglang nahinto.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may problema sa iyong pamilya, magfocus ka muna rito para hindi ka na mastress pa sa mga susunod na araw.
Love:
Singles: Mukhang may taong handang makinig sa mga problema mo. Baka siya na ang taong nakalaan sa iyo kaya makiramdam ka.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na magagamit mo ito at hindi lang basta itatambak.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo na punain ang kamalian ng ibang tao. Kung kaya mo silang turuan, gawin mo na lamang ito para hindi na nila ito maulit pa.
Love:
Couples: Hindi mo man maintindihan ang iyong partner ngayong araw, tiyak naman na magkakaayos din kayo.
Money/Career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para ikaw ay lumipat sa iba.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malaking chance na may bilhin kang gamit at maaaring hindi mo pala ito magustuhan sa huli.
Love:
Singles: Makinig ka sa advices na ibibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan, lalo na kung gusto mo talaga na magkaroon ng love life.
Money/Career:
Kung kaya mo namang gawin ang isang bagay, gawin mo na ito at huwag mo na iasa pa sa ibang tao.
Lucky color: White
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung wala ka naman masyadong gagawin, subukan mong tawagan ang iyong kaibigan at baka meron siyang maisip na plano para sa inyong dalawa.
Love:
Singles: Kung naghahanap ka ng partner, subukan mong magtanong sa iyong mga magulang at baka meron silang kakilala na pwede.
Money/Career:
Kahit na nagtitipid ka, pwede mo naman bilhin ang isang bagay lalo na kung ireregalo mo ito sa iyong sarili.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong huhusgahan kaagad ang isang tao. Kilalanin mo muna siya at may chance na magbago ang tingin mo sa kanya.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para pakiligin mo ang iyong partner. Gumawa ka ng something sweet para sa kanya.
Money/Career:
Okay lang naman na magdalawang-isip ka, basta ba makakapagdecide ka kaagad para wala kang maabalang ibang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may mga bagay na magbabago ngayong araw at tiyak na makakasira ito sa iyong mga plano.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakalaan para sa iyo. Makiramdam kang mabuti sa iyong paligid.
Money/Career:
Huwag ka padalos-dalos sa iyong mga desisyon para hindi mo pagsisihan ang mga ito sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo madaliin ang isang bagay. Malaki ang chance na magkamali ka kung hindi mo pag-iisipang mabuti ang iyong gagawin.
Love:
Couples: Kung hindi mo pakikinggan ang iyong partner, hindi talaga kayo magkakaintindihan at lalo lang lalala ang gulo.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao.
Lucky color: White
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging mabait ka sa mga tao sa iyong paligid. Huwag mong hayaang matandaan ka ng iba bilang isang salbaheng tao.
Love:
Couples: Maging malambing ka sa iyong partner, lalo na kung alam mo na may kasalanan kang nagawa sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Purple
Lucky number: 29

