in ,

EXPOSED! Ogie Diaz and his take on Xian Lim, un-aired ‘GGV’ episode and Janno Gibbs’ alleged nude photo

  • Ogie Diaz expounded on Xian Lim’s acting in Miss Granny and Sarah Geronimo and James Reid’s un-aired Gandang Gabi Vice.
  • He joked about Janno Gibbs’ alleged photo scandal, remarking how big his package was.
  • He commended Kris Aquino’s grand entrance in Crazy Rich Asians.

Ogie Diaz playfully talked about hot showbiz issues from Xian Lim‘s acting in Miss Granny, Sarah Geronimo and James Reid‘s un-aired Gandang Gabi Vice episode to Janno Gibbs‘ alleged nude photo scandal.

He answered questions from netizens who watched his latest vlogs and called his Facebook post, “Mama Ogs Answers…”



Xian in Miss Granny, Sarah & James in GGV.

Ogie discussed how a lot of Xian’s fans started bashing him because of his remark on his acting. When asked regarding Sarah and James’ un-aired Gandang Gabi Vice episode, Diaz shared details according to his source. Ogie also expressed his appreciation for the movie, Miss Granny.

“Mama Ogs! Si Xian Lim ba ang pinariringgan mo sa vlog mo na kilala, pero di marunong umarte?”

–Actually, inaaway ako ng ibang fans ni Xian. Porke nasabi kong kahit sino, pwedeng gampanan ang role niya sa “Miss Granny.” Pero hindi po siya ang tinutukoy ko, kaya ‘wag na nilang i-insist. Pag in-insist pa nila, eh baka nga siya.

“Mama Ogs, bakit po hindi in-air ‘yung guesting nina Sarah Geronimo at James Reid sa Gandang Gabi, Vice.”

–According to my source kung paniniwalaan ko, eh nag-react si Mommy Divine sa mga sagot ni Sarah sa mga intriguing questions ni Vice Ganda. Tulad sa “Guilty Or Not Guilty?” segment ng GGV, sa tanong ni Vice na, “Nakapanood ka na ba ng porn?” Pilyang ngiti daw ang naging reaction ni Sarah tapos sinagot niya ito ng, “Yes, pero ‘yung sa anime lang.”

Pati daw ‘yung kung was there a time na na-experience niyang matulog na may lalaking katabi at ilan pang naughty questions na pinati-trim nang pinati-trim ni Mommy Divine hanggang sa parang wala nang natitirang laman ‘yung episode, kaya minabuti na lang na ‘wag na itong iere.

At kung kilala ko si Vice, feeling ko, “no more next time” na siya sa mga ganitong eksena para makaiwas na din sa trouble at sa gastos. Paano kaya ‘yon, no? Di ipinalabas so ano yon? Pinaabono sa Viva ang cost of production? Hintay tayo ng sagot mula sa mga inampalan. Baka mali din ang dinig ko.”

“Mama Ogs, maganda ba ang Miss Granny?”

–Maganda siya. In fairness. Naaliw din ang mga anak ko. Ibang Sarah Geronimo ang mapapanood n’yo. Mahusay ang lola.

Screenshot from Ogie Diaz (Facebook)

Mocha Uson, Xander Ford and Janno Gibbs’ nude photo scandal.

Ogie noted that he and Asec. Mocha Uson are actually doing good and he is starting to understand her a little bit. He advised Xander Ford not to give in to bashers’ hate comments addressed to him. He joked about Janno’s alleged photo scandal, remarking how big his package was.

“Mama Ogs, musta na kayo ni Mocha Uson?”

–Okay lang. Unti-unti ko na lang iniintindi kung saan nanggagaling ang mga pangangatwiran niya, dahil kung hindi, pahihirapan ko lang din ang sarili ko. And I think, ‘yun din ang punto ng ibang di maispeling si Mocha. Na saliwa sa isyu ang kanyang mga sagot at consistent siya doon, kaya intindihin na lang.

I mean, sakto lang na naiintindihan ko siya. ‘Yung tama lang na sapat lang ‘yung intindi ko. Hindi naman ‘yung hindi talaga naiintindihan, kundi okay-okay lang ‘yung pagkakaintindi ko sa kanya. Kumbaga, pwede nang intindihin.

“Eh, si Xander Ford, Mama Ogs? Wala na akong balita sa kanya.”

–Ay, no! Hindi ako papayag na walang balita about him. Nito lang meron siyang lumabas na video na umiiyak siya, dahil di na raw niya kayang tanggapin ang mga bashers. Gusto na raw niyang magpakamatay. Oy, Xander, ‘wag mong gagawin ‘yan, ha? Baka lalo kang i-dare ng mga bashers mo. Wag, anak. Masarap mabuhay. Basta behave ka na lang sa mga pautot mo para behaved din ang bashers.

“Mama Ogs, ano’ng masasabi mo sa lumabas na photo scandal ni Janno Gibbs?”

–Ay, malaki! I mean, malaki na si Janno para malaman niya ang consequence ng ginawa niya. Although pwede naman niya ‘yong idenay at sabihin niyang hindi siya ‘yon. Pero matatalino na ang mga netizens ngayon, eh. Kaya akuin na lang niya. Tutal, bongga naman ang pagsaludo sa katatagan ng sandigan ng kanyang lakas. Pwede na rin niyang ibahin ang pangalan niya from Janno Gibbs to Janno Bigs. #Waley.”

Screenshot from Ogie Diaz (Facebook)

Vice Ganda, Coco Martin, Kris Aquino in Crazy Rich Asians and Aiko Melendez.

Ogie remained cryptic in detailing Vice Ganda and Coco Martin‘s friendship. He commended Kris Aquino‘s grand entrance in Crazy Rich Asians. Ogie named Aiko Melendez as his best celebrity friend and explained why.

“Mama Ogs, may gap po ba talaga sina Vice Ganda at Coco Martin?

–Ang alam ko, may Bench.

“Mama Ogs, eh kayo ni Vice, kumusta?”

–Okay naman kami ni Vice. Pero kami ni mayor, hindi

“Mama Ogs, kumusta si Kris Aquino sa Crazy Rich Asian?”

–Napanood ko siya. Titili na sana ako pagkakita sa kanya, eh. Kaso, nakakahiya kung ako lang mag-isa ang titili. Anyway, keri na rin. She made her presence felt naman.

“Mama Ogs, may mga bashers ka pa rin ba?”

–Kelan ba nawala ‘yon? Pag may social media accounts ka, sigurado, may bashers ka. We can’t please everybody. Sila na lang ang paghugutan mo ng lakas para manghina sila. #Cheret..

“Mama Ogs, blind item naman diyan.”

–O, sige. Normal lang naman sa negosyo na minsan good, minsan bad. Pero recently daw, di nakakabayad sa mga suppliers ng kanyang negosyo ang actor-entrepreneur. Clue? Mabait na ‘ko, kaya pass na muna ang clues.

“Mama Ogs, who is your closest celebrity friend?”

–Aiko Maria Emilia Melendez. Nakita ko na kasi ang keps niyan habang umiihi sa harap ko, eh. Hahaha!

Kaya ‘yung mga gusto akong maka-close, ha? #AlamNa.”

Screenshot from Ogie Diaz (Facebook)

Comments

Written by Angela Baltan

Kapuso star Jennylyn Mercado is a big Kapamilya fan

FLOP? Jairus Aquino defends movie “Petmalu” from being labelled a “flop”