Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ipakita mo sa isang tao kung ano ba talaga ang kaya mo, lalo na kung meron pa rin siyang duda sa iyo.
Love:
Couples: Huwag kang magpanggap na kaya mo ang lahat. Huwag kang mahiya sa iyong partner dahil susuportahan ka naman niya.
Money/Career:
Mukhang panahon na para baguhin mo ang iyong nakaugalian sa iyong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 31 25 8 12 49 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ka masa-satisfy kung hindi mo haharapin ang taong gusto mong makausap. Panahon na para alamin mo kung ano ang totoo.
Love:
Singles: Kung feeling mo ay magiging awkward sa iyo ang isang tao, magdahan-dahan ka lang para hindi siya mapressure.
Money/Career:
Pagtulungan ninyo na lang ang mga bagay-bagay para mapadali ang inyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 18 7 53 49 14 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magfocus ka muna sa iyong mga gawain. Tapusin mo ang mga ito bago mo tulungan ang ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang may makakausap ka ngayong araw at talaga naman maiinspire ka sa mga sasabihin niya.
Money/Career:
Mukhang panahon na para tapusin mo ang iyong mga gawain na nakalimutan mo kahapon.
Lucky color: White
Lucky numbers: 1 55 44 54 22 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May chance na magkaproblema ka ngayong araw dahil tatamarin ka na naman at mawawalan ng focus sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong seryosohin ang iyong partner, lalo na kung alam mong nagbibiro lang talaga siya.
Money/Career:
Subukan mong makipagkulitan sa ilang mga bata ngayong araw para naman gumanda ang mood mo.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 36 13 4 50 28 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung bibigyan ka ng chance ng isang tao, kunin mo ito at huwag mo siyang bibiguin para naman hindi siya mapahiya.
Love:
Singles: Kung feeling mo ay mali ang nagawa sa iyo ng isang tao, iapproach mo siya at pag-usapan ninyo ito.
Money/Career:
Huwag ka maghanap ng sagot sa mga lugar kung saan ka madalas naghahanap. Subukan mong mag-isip ng bago.
Lucky color: Cream
Lucky numbers: 15 13 23 25 5 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago mo gawin ang isang bagay, magresearch ka muna tungkol dito para naman magkaroon ka ng advantage.
Love:
Singles: Bigyan mo ng chance ang isang tao na mapalapit sa iyo, lalo na kung sincere naman siya sa kanyang ginagawa.
Money/Career:
Hindi ka makakapagfocus sa iyong trabaho kung problema sa bahay ang palagi mong iniisip.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 7 4 45 52 2 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi sure ang ka-group mo sa gagawin mo, tanungin mo siya kung ano sa tingin niya ang dapat mong gawin.
Love:
Couples: Huwag kang mag-alala kung pupunta sa malayo ang partner mo. Kailangan ninyo lang ng constant communication.
Money/Career:
Bago ka magsalita, pakinggan mo muna ang sasabihin ng ibang tao at baka maganda naman ang point nila.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 44 7 47 34 10 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kahit na marami ka pang dapat na tapusin ngayong araw, may chance na tamarin ka at gugustuhin mong magpahinga na lang.
Love:
Couples: Huwag mo muna masyadong pansinin ang kasalanan ng partner mo. Hayaan mo muna siya na ayusin ito.
Money/Career:
Maging proud ka sa mga gawa mo lalo na kung binigay mo talaga ang best mo sa mga ito.
Lucky color: Gold
Lucky numbers: 33 3 1 35 38 46
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong katawan. Mag-exercise ka lalo na kung napapansin mong bumibigat ka na naman.
Love:
Couples: Kahit na alam mo ang kailangan mong gawin, hindi mo pa rin ito magawa dahil nag-aalala ka sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon kayo ng problema sa trabaho dahil naging pasaway ang isa ninyong kasama.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 48 35 21 15 46 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang masusubukan ngayong araw ang iyong paniniwala tungkol sa isang bagay. Maging confident ka lang dito.
Love:
Couples: Isikreto mo muna ang isang bagay sa iyong partner. Saka mo na ito sabihin para naman masorpresa mo siya.
Money/Career:
Lumapit ka sa mga taong parehas mo mag-isip, para naman mabilis ninyong matapos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 39 32 43 42 23 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kailangan mong solusyunan agad ang isang bagay na kagagawan mo bago pa maging malala ang sitwasyon.
Love:
Couples: Wala kayong maaayos kung hindi kayo mag-uusap ng iyong partner. Huwag ninyo muna dedmahin ang isa’t-isa.
Money/Career:
Maghanap ka ng mga sagot sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan o nasusubukan.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 31 33 22 40 25 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang matatandaan mo na ang isang bagay na nakalimutan mong gawin. Magmadali ka para umabot ito.
Love:
Singles: Kung ayaw mo munang pag-usapan ang isang bagay, huwag mo na pilitin ang sarili mo at baka mahirapan ka lang.
Money/Career:
Subukan mong magtanong-tanong sa mga taong iba ang kultura at baka sakaling magkaroon ka ng magandang idea.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 12 13 54 1 45 10