Maliban sa dark themed movie na ‘The Guest,’ isa pang gagawing movie ni Daniel Padilla sa Star Cinema naman ang ibinalita ngayong araw (April 27).

Ang pangalawang pelikula na gagawin ni Daniel Padilla ay tinatawag na ‘buddy comedy’ movie na may title na ‘Nang Mapagod si Kamatayan’ na isinulat ni Carmi Raymundo at idederehe ni Dan Villegas.

Ang ‘Nang Mapagod si Kamatayan’ ay base sa short story na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast Ricky Lee sa kanyang librong ‘Kung Alam Niyo Lang’.

Ang ‘Nang Mapagod si Kamatayan’ at umiikot kay Monty na gustong maintindihan kung bakit pumapatay si Kamatayan.

Isushoot na raw ito agad at ipapalabas na agad this year sabi ng ABS-CBN Films head na si Kriz Gazmen.
Padilla will be joined by Zanjoe Marudo in this project.