Ilu-launch pala si Arci Muñoz ng TV5 sa afternoon drama na Halimuyak at ipantatapat sa afternoon soap ng ABS-CBN at GMA-7. Sobrang tuwa tiyak si Arci dahil natupad na ang dream nitong magbida’t puro kontrabida ang role niya sa mga ginawang soap sa Channel 7.
Makaka-back-to-back ng Halimuyak ang Bagwis, pero hindi pa sinasabi kung sino ang bida. Bukod kay JC de Vera, sina Alwyn Uytingco at Martin Escudero lang ang alam naming young actor na nakakontrata sa TV5. Hindi puwede kay JC ibigay ang project dahil may Utol Kong Hoodlum siya.