Nang magkita sina Cholo at ang ama ni Tristan matapos maaksidente ang huli…

Cholo: Mang Dindo, nandito ho pala kayo. Nagkita na ba kayo ni Tristan? Kasi si Jodi, nasa Operating Room na ho. May donor na ho s’ya! Pakisabi kay Tristan, may donor na! Siguradong matutuwa s’ya. Nas’an na ho ba s’ya?

Dindo: Wala na s’ya eh…

Cholo: ahhhh… Ano hong wala na?

Dindo: Naaksidente si Tristan. (pipigilan ang pag-iyak) mmmmm…. Patay na s’ya Cholo…patay….patay na si Tristan……pat…pat…patay na yung anak ko…(unti-unting maluluha si Dindo)

Cholo: Hin..di… hinde…!

Dindo: Namatay s’ya para…

Cholo: Nas’an s’ya?

Dindo: Binigay n’ya sa ‘yo to….(iaabot ang sulat kay Cholo at hindi na mapipigilan ni Dindo ang mapaluha)

Cholo: (babasahin ang sulat)

“Cholo, wala na kong alinlangan sa pagmamahal mo kay Jodi. nakita ko na kung gaano mo s’ya kamahal. kaya alam kong iiwan ko sa mabuting kamay si Jodi. kailangan kong gawin ito para sa babaing mahal natin. pakiusap lang, wag na wag mong sasabihin sa kanya ang ginawa ko. ayaw kong malaman nya na wala na ko. kaya may iniwan ako para sa kanya…”

(tuluyan ng mamimighati si Dindo sa pagkawala ng anak. iiyak s’ya sa balikat ni Cholo…)

Share