2 months ago lang ay nagbalik-‘ASAP Natin ‘To’ si Jona Viray na matagal ding nawala sa show matapos mag-lie-low dahil sa pandemic. Ngayon naman ay hinuhulaan siyang bagong huradong dadagdag sa mga nakaupo sa ‘Tawag ng Tanghalan’ ng ‘It’s Showtime’ na napapanood hindi lang sa A2Z Channel 11 at TV5, kundi pati na rin sa Kapamilya Online at sa iWantTFC.
May pa-Guess Who pa ang ‘It’s Showtime’ pero kilalang-kilala na agad ang silhouette pa lang plus ang keyword nilang ‘Fearless’ na ginagamit ni Jona bilang monicker.
https://twitter.com/itsShowtimeNa/status/1647208153866706944
Kaya naman madali itong nahulaan syempre ng mga fans. Para sa ilang mga fans ay “long overdue” na ito para sa magaling na singer at para naman sa iba, “dasurb” ito para sa kanya.
https://twitter.com/macoyski/status/1647264143026831360?s=20
https://twitter.com/fungurldi4ry/status/1647259690080915458?s=20
https://twitter.com/Certified_jona/status/1647232549150949377?s=20
OMG JONA AS A HURADO!!! I am seated!!! https://t.co/wEWLQ7DmdV
— Auntie Selina (@auntieselinamo) April 15, 2023
Hindi naman lingid sa lahat na galing din si Jona Viray sa isang singing competition sa GMA Network na ‘Pinoy Pop Superstar’ noong 2005. Naging Kapamilya siya noong 2016.