Isa sa mga pinakamaswerteng bata sa taong 2010 ay si Xyriel na nakilala natin bilang Agua at Bendita sa “Agua Bendita” series ng ABS-CBN. Sinundan pa ‘yun ng isang napakagandang teleserye na “Momay” na talagang tumatak sa mga manonood.
Hindi pa siya nabakante dahil isinama pa siya sa teleseryeng Noah na malapit nang magtapos sa susunod na taon.
Produkto siya ng Star Circle Kid Quest. Hindi siya ang big winner pero dahil nakitaan siya ng potential ay nagtuloy-tuloy ang pagsikat niya.
Siya ang first choice para sa role ng magic bibe ng Super Inday and the Magic Bibe na unang ginampanan ni Aiza Seguerra na entry naman ng Regal sa MMFF 2010. Hindi pinayagan si Xyriel na gumanap doon pero mas naging maganda naman ang kapalit nito dahil inilagay siya sa Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To) na entry naman ng Star Cinema sa MMFF 2010.
At dahil sa hindi matatawarang pagganap niya sa movie ni Miss Ai-Ai, siya ang tinanghal na Best Child Actress ng katatapos lang na MMFF 2010. Congratulations Xyriel!

