Nagkaalaman na ang mga characters sa I Heart You Pare at hudyat na rin ng pamamaalam ng serye. Malapit na ang kasal nina Kenneth at Nikki. At ang Best Man na si Tonette, gusto s’ya ang Bride! Tutukan mamaya sa I ♥ You Pare pagkatapos ng Munting Heredera.
Kasalukuyang ginaganap ang last taping day ng “I Heart You Pare” nina Dingdong Dantes at Iza Calzado sa Fernbrook Gardens sa Alabang, Muntinlupa.