Magkakaroon ulit ng bagong show si Eugene Domingo (see the link) sa TV5 at makakasama niya rito sina Christopher de Leon at Nora Aunor na muling nagbabalik-showbiz. Kahit na kilala siyang Kapuso ay pwede pa rin naman siyang tumanggap ng mga projects kahit na kabilang istasyon basta walang conflict.
Katatapos lang ni Eugene na tumanggap ng Best Actress award sa katatapos lang na Cinemalaya sa pelikula niyang “Babae sa Septic Tank” at handang-handa na siyang makipagsabayan ng aktingan sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Drama ang magiging tema ng kanilang serye kasama pa si Christopher de Leon na may pamagat na “Donya Negra”.
1 Comment
comedy plus drama!
Nice tv5!