Hindi ikinakaila ni Marian Rivera na talagang super-selosa siya pagdating sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Pero depensa ng aktres, hindi lang naman daw siya ang selosa, dahil maging si Dingdong daw, pareho niyang super-seloso.
Hindi rin itinatago ni Marian ang pagmamahal sa boyfriend kaya kahit na bansagan pa siyang super-selosa, okey lang daw sa kanya. Ang importante, masaya silang dalawa ni Dingdong at alam rin ng buong sambayanan kung gaano rin kamahal ni Dingdong si Marian.
Ngayong Linggo ay magkakaroon ng birthday celebration sa Party Pilipinas si Marian Rivera at makakasama niya ang boyfriend niya ritong si Dingdong Dantes (see the link) na magcecelbrate din ng kanyang birthday.

