Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may tiwala ka naman sa iyong sarili. Pero dapat ay hindi ito aabot sa point na nagiging mayabang ka na.
Love:
Couples: Mukhang kailangan ng partner mo ang iyong tulong kaya naman huwag mo itong ipagdamot sa kanya.
Money/Career:
Gumastos ka kapag meron ka ng pera. Huwag mo na subukang umutang sa ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka na magreklamo at gawin mo na lamang ang mga bagay na inuutos sa iyo kung ayaw mong mapagalitan.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong pananamit ngayong araw at may chance na magustuhan ito ng iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may paparating na malaking gastusan uli, kaya kailangan mo munang magtipid.
Lucky color: Green
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang bagay na gustong gawin pero hindi mo pa magawang simulan, marahil ay ito na ang panahon para gawin mo ito.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na kulitin mo ang iyong partner ngayong araw para naman lambingin ka.
Money/Career:
Kung wala ka namang kinalaman sa isang problema, mas mabuting huwag ka na makialam pa rito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting huwag ka muna gumawa ng kahit anong mabibigat na desisyon.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay sumabak sa isang relasyon. Habaan mo muna ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Bawat desisyon mo ay makakaapekto sa iyong career. Kaya mas mabuting huwag ka basta-basta gumawa nang hindi mo pinag-iisipan.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag kang mag-alala kung hindi mo kaya ang mga gawaing ipapagawa sa iyo dahil nandiyan naman ang iyong kaibigan para tulungan ka.
Love:
Singles: Huwag kang mainip. May taong nakalaan para sa iyo kaya naman huwag ka na basta-basta pumapatol sa kahit na sino.
Money/Career:
May malaking chance na maging hectic ang iyong schedule ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kalimutan mo na ang mga bagay na nagdulot ng sakit sa iyo. Panahon na para harapin mo ang iyong buhay na may bagong sigla.
Love:
Singles: Mukhang wala naman masyadong ganap sa iyong buhay sa ngayon, kaya mas mabuting ienjoy mo na lang muna ang pagiging single mo.
Money/Career:
Kung meron kang interview na paparating, mas mabuti kung magsusuot ka ng kulay puti.
Lucky color: Silver
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Isa ka lang simpleng tao kaya naman pagdating sa mga kumplikadong bagay ay talaga namang nahihirapan ka.
Love:
Couples: Panahon na para harapin ninyo ang mga problema sa inyong relasyon, lalo na kung gusto ninyong tumagal ang pagsasama ninyo.
Money/Career:
Kung wala ka pang trabaho, merong good news na darating sa iyo kaya naman kapag dumating ito ay kunin mo na kaagad.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay na matagal mo na dapat ginawa.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay maghanap na ng taong makakasama mo in the future.
Money/Career:
Okay lang naman na manlibre ka ngayong araw, basta ba hindi mo uubusin ang iyong pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Panahon na para ikaw ay gumawa ng desisyon. Kung papatagalin mo pa ito, lalo lang magiging malala ang sitwasyon.
Love:
Singles: Huwag kang magpapressure sa sinasabi ng ibang tao sa iyo. Gawin mo lang kung ano sa tingin mo ang kaya mo.
Money/Career:
Okay lang naman na magkamali ka sa iyong trabaho, basta ba ginagawan mo ito ng paraan para maayos.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Para hindi ka mahirapan sa mga dapat mong gawin, gumawa ka ng schedule para malaman mo rin kung ano ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka sa mga request ng iyong partner sa iyo. Pero mas makakabuti kung pagbibigyan mo muna siya.
Money/Career:
Panahon na para paramihin mo ang iyong mga koneksyon para lalo kang magtagumpay sa iyong career.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ipon-ipon ka na dahil may malaking chance na magkaroon kayo ng biglaang lakad at makakasama ka kung meron kang naitabing pera.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong husgahan ang iyong partner sa kanyang nagawa. Alamin mo muna kung bakit niya ito ginawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa business marketing ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Irespeto mo ang opinyon ng ibang tao. Okay lang naman na hindi kayo magkatugma, pero huwag mong ipilit ang gusto mo sa iba.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para magseryoso ka sa iyong magiging relasyon. Tapos na ang panahon ng pakikipagflirt mo sa kung sino-sino.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na darating sa iyong trabaho, pero kailangan mong habaan ang iyong pasensiya dahil hindi ito agad darating.
Lucky color: Black
Lucky number: 4

