Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na gagamitin mo ito talaga at hindi mo lang itatambak sa tabi-tabi.
Love:
Couples: Kung may nagawang kasalanan sa iyo ang iyong partner, patawarin mo na siya kung humingi naman siya ng sorry.
Money/Career:
Mukhang magigipit ka sa pera sa mga susunod na araw kaya bawas-bawasan mo muna ang pagkain mo sa labas.
Lucky color: Black
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magrelax ka muna. Huwag ka masyadong magpanic dahil meron namang solusyon sa problema mo, kaya kumalma ka na.
Love:
Couples: Dapat ay maging open ka sa iyong partner. Kung meron kang mga bagay na hindi gusto sa kanya, sabihin mo ito at maiintindihan naman niya.
Money/Career:
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw at magagawa mong tapusin ang anumang gawain na iutos sa iyo.
Lucky color: White
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang maraming tao ang hihingi sa iyo ng pabor ngayong araw. Kung kaya mo naman silang tulungan, gawin mo ito.
Love:
Couples: Kung naging busy kayong dalawa kamakailan, i-treat ninyo ang inyong mga sarili ngayong araw.
Money/Career:
Kung gusto mo talaga na umasenso sa iyong trabaho, kailangan mong bawas-bawasan ang iyong paggimik.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago ka pumayag na gawin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na alam mo ang iyong ginagawa.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang mga kagustuhan ng iyong partner, lalo na kung kaya mo naman itong ibigay sa kanya.
Money/Career:
Mukhang kikita ka ng malaking pera lalo na kung magsa-sideline ka as organizer.
Lucky color: Silver
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang bagay na matagal mo na dapat nasimulan.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Maglaan ka ng maraming oras sa kanya ngayong araw.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang makakatanggap ka ng good news ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa pera.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung meron kang gustong i-address sa inyong relasyon.
Money/Career:
Mukhang magagawa mong tapusin ang iyong mga pending na gawain, kaya naman mababawasan na rin ang iyong mga tambak.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna magsugal ngayong araw dahil may malaking chance na malasin ka rito at maubos ang iyong mga naipon.
Love:
Couples: Ikaw lang ang nakakaalam ng inyong mga problema at ikaw lang din ang makakagawa ng solusyon para rito, kaya naman umaksyon ka na.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpakalunod sa iyong trabaho dahil may mga bagay pa na mas importante kaysa diyan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang sikretong malalaman ngayong araw, huwag mo na ito ipagkalat pa sa ibang tao kung ayaw mong malintikan.
Love:
Couples: Huwag ninyong kalimutan na kamustahin ang inyong pamilya, lalo na ang inyong mga magulang.
Money/Career:
Okay lang naman na magshopping ka ngayong araw, pero mas maganda kung merong taong manlilibre sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Limitahan mo muna ang iyong paggastos. Tandaan mo na bilhin mo lang ang mga bagay na importante sa ngayon.
Love:
Couples: Kung masaya ka naman sa inyong relasyon, ipagpatuloy mo lang ito. Pero kung hindi na, marahil ay panahon na para pakawalan mo siya.
Money/Career:
Maaaring ma-bore ka sa iyong trabaho ngayong araw, kaya naman kulitin mo ang iyong kasama para maaliw ka naman.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Tandaan mo na kung malaki ang iyong pangarap, malaki rin ang challenges na dapat mong harapin.
Love:
Couples: Dahil sa stress na dulot ng iyong trabaho, magiging iritable ka ngayong araw kaya naman mas mabuting magpamasahe ka na lang sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang meron kang bagay na nagugustuhan at maaaring bilhin mo ito kahit na hindi mo naman talaga ito kailangan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Dahil sa dami ng gusto mong gawin, malilito ka tuloy kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Okay lang naman na makinig sa iyong partner. Pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka na dapat magsalita.
Money/Career:
Kung ikaw ay walang trabaho, may oportunidad na darating sa iyo very soon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 21
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi naman masama na magshopping ka ngayong araw. Magsama ka ng isang kaibigan at huwag mong kalimutang ilibre siya.
Love:
Couples: Kung meron kayong problema ng iyong partner, maganda ang araw na ito para pag-usapan at ayusin ninyo ito.
Money/Career:
Kung magiging confident ka sa iyong mga gawain, hindi lang ang mga kasama mo ang hahanga sa iyo, pati na rin syempre ang iyong boss.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7

