Daily Horoscope: March 14, 2018 – Wednesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang balak gumala ngayong week, mas mabuting puntahan mo ang isang lugar na magpapaalala sa iyo ng isang tao.
Love:
Couples: Enjoyin mo lang ang mga panahon na kasama mo ang iyong partner. Hindi rin naman magiging boring kung sa bahay lang kayo.
Money/Career:
Kung merong pinupuna ang ibang tao sa iyong ugali, maaaring panahon na para gawan mo ito ng aksyon.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 21

Taurus (Apr 20 – May 20)
Makinig ka muna sa sinasabi ng iyong kutob o hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Kung enjoy ka sa tuwing kasama mo siya, maaaring siya na talaga ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8

Gemini (May 21 – Jun 20)
Madali mong napapatawa ang ibang tao, kaya naman usually ikaw ang takbuhan nila kung gusto nilang makalimot sa problema.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang dinner lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling negosyo, ito na ang tamang panahon para simulan ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mas makakatulong sa iyo kung gagawin mo kung ano ang sa tingin mo ang dapat mong gawin kahit na may kumukontrang ibang tao rito.
Love:
Couples: May malaking chance na maging iritable ka ngayong araw kaya naman maaaring madamay rin dito ang iyong partner.
Money/career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may masabi kang sikreto sa ibang tao.
Lucky color: Silver
Lucky number: 21

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng iyong araw ngayon. Maging consistent ka na lamang sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mag-alala kung nasa malayo ang iyong partner. Tiyak naman na miss na miss ka rin niya.
Money/Career:
May malaking chance na magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Maging handa para rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maganda ang araw na ito para makipagkita sa iyong mga dating kaibigan. Makibalita ka sa kanila at baka may good news sila para sa iyo.
Love:
Couples: Kung gusto mo ng pagbabago sa inyong relasyon, ikaw na dapat ang unang gumawa ng paraan dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda sa kanilang finals.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 21

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi lahat ng pagbabago ay maganda para sa iyo. Kaya naman pag-isipan mo munang mabuti ang isang bagay bago mo ito gawin.
Love:
Singles: Okay lang naman na mainlove ka sa isang tao. Siguraduhin mo lang na wala siyang jowa para hindi ka masaktan.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda naman ang future mo sa iyong trabaho. Bawas-bawasan mo lang ang iyong pagrereklamo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring maging moody ka ngayong araw, kaya mas mabuti na wala munang kukulit sa iyo para hindi ka ma-beast mode.
Love:
Couples: Ito na ang tamang panahon para gawin mo ang isang mabigat na desisyon sa inyong relasyon.
Money/Career:
Maging seryoso ka sa iyong trabaho at tiyak na magiging successful ka rito kaagad.
Lucky color: Black
Lucky number: 17

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gamitin mo ang iyong charming personality para humingi ng favor sa ibang tao lalo na kung sila lang ang makakagawa ng gusto mo.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, lambingin mo siya. Gawin mo ang mga bagay na gusto niya.
Money/Career:
Palagi kang nagfofocus sa iyong mga trabaho kaya naman wala talagang masabing masama sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong magpaapekto sa stress. Alagaan mo ang iyong sarili para naman magkaroon ka ng lakas buong araw.
Love:
Couples: Hindi naman nagfe-fail ang iyong partner sa pagsuporta sa iyo, kaya dapat naman na maging thankful ka sa kanya.
Money/Career:
Kung gusto mo talaga ang iyong trabaho, gagawin mo ang lahat para hindi ka matanggal dito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 27

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman umiwas ka muna sa mga makukulit na tao para hindi ka mabadtrip.
Love:
Couples: Huwag mong maliitin ang kakayahan ng iyong partner, kaya naman mas mabuting bumilib ka na lang sa mga kaya niyang gawin.
Money/Career:
Huwag ka mangutang para lang mabili mo ang isang bagay na gusto mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Meron kang kaibigan na magse-share ng isang sikreto sa iyo, kaya naman gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat sa iba.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Kaya kung meron kang manliligaw, sagutin mo na.
Money/Career:
Okay lang na magkamali ka, basta ba gumagawa ka ng paraan para maayos ito.
Lucky color: White
Lucky number: 16

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope317 horoscope318

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments

image