Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maraming pagbabago ang darating sa iyo. Kaya naman sulitin mo na ang isang bagay hangga’t nasa iyo pa ito.
Love:
Singles: Ayusin mo ang iyong kilos lalo na kung katabi mo ang iyong crush, para naman hindi siya maging awkward sa iyo.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang lahat ng mga bagay na iuutos sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 28
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman marami kang matatapos na mga bagay at magkakaroon ka pa ng oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung naging busy masyado kamakailan ang iyong partner, gumawa ka ng isang bagay para mawala ang stress niya sa katawan.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng sariling business, mas mabuting simulan mo na ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang matatanggap na advice mula sa isang tao, sundin mo ito dahil may point naman ang sasabihin niya.
Love:
Couples: Kung may tampo kayo sa isa’t-isa, mas mabuting gamitin ninyo muna ang araw na ito para makapagmuni-muni kayo.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, may malaking chance na iwan mo rin ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na may kaibigan kang magshare ng secret sa iyo. Gawin mo ang lahat para hindi mo ito ipagkalat sa iba.
Love:
Couples: Kung naging busy kayong dalawa kamakailan, magplan kayo ng isang dinner ngayong araw para makabawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang unti-unti nang gumaganda ang status ng iyong career. Maging consistent ka na lamang sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Silver
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka na mag-alala sa isang bagay. Gawin mo na lamang busy ang iyong sarili para hindi mo na ito isipin pa.
Love:
Couples: Iwasan mo munang makipagtalo sa iyong partner ngayong araw. Kung meron siyang gusto, pagbigyan mo na lang muna.
Money/Career:
Kung stressed ka na masyado sa iyong trabaho, subukan mo kung makakakuha ka ng bakasyon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo masyadong ipagtanggol ang isang tao, lalo na kung alam mo naman na siya talaga ang may kasalanan.
Love:
Couples: Pakiligin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung gusto mong bumawi sa naging kasalanan mo sa kanya.
Money/Career:
Mukhang dadami ang iyong trabaho ngayong araw, pero wala pang chance na tumaas ang iyong sahod.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang panahon na para simulan mo ulit ang isang proyekto na hindi mo natapos dati. Baka ngayon ay matapos mo na ito.
Love:
Couples: May chance na maging aggressive ka ngayong araw at talagang magtataka ang iyong partner kung bakit.
Money/Career:
Mukhang hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong career. Kailangan mo muna mag-isip bago ka gumawa ng aksyon.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may taong balak sumabotahe sa iyo ngayong araw. Magmasid-masid ka sa iyong paligid at mag-ingat ka sa iyong mga ikikilos.
Love:
Singles: Kung medyo bored ka na, subukan mong itry ang isang hobby ng iyong kaibigan para naman maaliw ka kahit papaano.
Money/Career:
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong boss kahit na alam mo na mas mahihirapan ka rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may chance na pigilan ka ng iyong pamilya sa gagawin mo lalo na kung sa tingin nila ay hindi ito makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Hindi porke inaalala ka niya ay may pagtingin na siya agad sa iyo. Huwag masyadong umasa at baka masaktan ka lang.
Money/Career:
Huwag mong hayaang magkamali ka sa iyong mga gawain, dahil tiyak na uulit ka na naman sa umpisa kapag nangyari ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang nagbago ka na talaga. Hindi ka na masyadong pasaway at marunong ka na ring makinig sa sinasabi ng iba.
Love:
Singles: Paramihin mo ang iyong mga koneksyon ngayong araw. Huwag kang mahiyang makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bigyan mo ang sarili mo ng second chance. Huwag mong hayaang maging bitter ka na lang sa bawat araw na dadaan.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, sabihin mo na ito ng diresto sa kanya para hindi na siya maguluhan.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera ngayong araw mula sa taong hindi mo ineexpect.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging masipag ka sa iyong mga gawain ngayong araw, kaya naman marami ang matutuwa sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may ibang tao na balak gumulo sa pagsasama ninyo ng iyong partner. Gawin mo ang lahat para hindi siya magtagumpay.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka sa isang bagay, lalo na kung pinaghirapan mo naman ang ipanggagastos mo rito.
Lucky color: Rose
Lucky number: 27

