Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may taong magsasabi sa iyo ng isang sikreto, gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung iiwasan ninyo na lang palagi ang inyong mga problema, mas lalo lamang itong magiging malala.
Money/Career:
Mukhang panahon na para baguhin mo ang iyong ugali lalo na kung madalas na naiistress sa iyo ang iyong mga kasama.
Lucky color: Cream
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka na mag-alala sa isang bagay, lalo na kung wala ka namang magagawa para mabago ito. Manalig ka na lamang sa ngayon.
Love:
Couples: Subukan mong ishare sa iyong partner ang iyong mga problema at malay mo, makapagbigay siya ng magandang solusyon para rito.
Money/Career:
Kahit na malaki ang iyong sinasahod, dapat ay nagtitipid ka pa rin at hindi mo ito ginagastos kaagad.
Lucky color: Green
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Marami ka pang dapat na gawin kaya naman huwag ka muna magpaistorbo sa ibang tao o bagay ngayong araw para makatapos ka kaagad.
Love:
Singles: Panahon na para patawarin mo ang isang tao na nagkasala sa iyo, lalo na kung talagang nagsisisi siya sa kanyang nagawa.
Money/Career:
Huwag mong pagurin ang iyong sarili. Magpahinga ka sa iyong free time.
Lucky color: Gold
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung yayayain ka ng iyong mga kaibigan ngayong araw, sumama ka dahil tiyak naman na magiging masaya ka kasama nila.
Love:
Singles: May malaking chance na meron kang makasama ngayong araw. Makiramdam ka at baka mayroon siyang pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka kaagad papayag sa isang bagay lalo na kung napipilitan ka lang.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mong magcommit sa iyong mga gawain lalo na kung gusto mo talagang magtagumpay sa mga ito at maiwasan ang pagkakamali.
Love:
Singles: Magrelax ka lang. Huwag ka masyadong mainip kung hindi mo pa nakikita ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Pwede kang tumaya sa lotto o kaya’y sumali sa mga raffle.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na maging busy ka ngayong araw. Pero baka merong dumalaw sa iyo kaya naman maglinis ka rin ng iyong bahay.
Love:
Couples: Kung palagi na lamang sakit ang dulot ng inyong relasyon, marahil ay panahon na para itigil ninyo ito.
Money/Career:
May malaking chance na may taong magflirt sa iyo sa iyong trabaho para lamang gawin mo ang kanyang gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman tiyak na magiging awkward ang encounters mo sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung meron kayong gustong pagplanuhan na event, gawin ninyo ito agad habang marami pa kayong time.
Money/Career:
May chance na makapag-abroad ka lalo na kung may taong tutulong sa iyo na nagtatrabaho na roon.
Lucky color: White
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang makakaexperience ka ng hindi maganda ngayong araw, pero huwag mong hayaang masira ang mood mo dahil dito.
Love:
Singles: Mukhang may chance na magkabalikan kayo ng iyong ex lalo na kung available pa rin kayong dalawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na kung may kinalaman sa construction ang iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring makatanggap ka ng isang balita na babago sa isip mo ngayong araw. Huwag ka muna magpanic at umaksyon kung hindi ka pa sigurado.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang mga ikinikilos ng iyong partner, subukan mo siyang tanungin pero dapat ung pasimple lang.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, may malaking chance na merong mag-offer sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may nalaman kang bago ngayong araw, huwag mo muna ito ipagkalat sa iba para naman ikaw lang ang may advantage.
Love:
Singles: Mukhang may taong bibisita sa iyo at may chance na siya ay naging bahagi ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa software development ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-explain ka nang mabuti lalo na kung may taong magdududa sa iyong mga desisyon o sa iyong mga ginagawa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner, lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na lamang mag-expect ng malaki para hindi ka na madismaya. Tanggapin mo na lamang kung ano man ang pwedeng mangyari.
Love:
Couples: Kung masyadong toxic na ang inyong relasyon, mas mabuti kung mag-cool off muna kayo para perahas kayong makapag-isip.
Money/Career:
Huwag mong hayaang madistract ka sa iyong mga gawain. Magfocus ka para makaabot ka sa deadline.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 11

