in ,

Daily Horoscope: July 26, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang malapit mo na makuha ang isang goal mo sa buhay. Huwag kang susuko, lalo na kung worth it naman ito.
Love:
Singles: Alam mo kung ano ang dapat na hinahanap mo sa isang tao na gusto mong maging partner. Maging patient ka lang at darating din siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong exam.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9

Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na mairita ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung palagi ka na lang niya kinukulit tungkol sa isang bagay.
Love:
Singles: Subukan mong makipagmeet sa iyong mga dating kaklase. Malay mo, may kakilala sila na pwede nilang ipameet sa iyo.
Money/Career:
Dumami man ang iyong mga gawain ngayong araw, tiyak naman na kakayanin mong tapusin ang lahat ng mga ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 30

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi man maging maganda ang araw mo ngayon, huwag ka na masyadong malungkot. Tiyak naman na may darating din na swerte sa iyo.
Love:
Couples: Kung may makita kang problema sa inyong relasyon, ayusin mo na ito kaagad bago pa ito lumaki.
Money/Career:
Kung kaya mo namang tumulong sa iba, gawin mo ito para hindi na rin sila mahirapan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 22


Tech Jungle: VIVO V17 PRO Review


Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago mo husgahan ang isang tao, alamin mo muna ang buong pangyayari para naman hindi ka mapahiya sa huli.
Love:
Couples: Hayaan mo na lang muna ang iyong partner sa kanyang gusto. Marerealize din naman niya sa huli kung tama o mali ang kanyang nagawa.
Money/Career:
Mukhang magiging blessed ka ngayong araw dahil may ilang tao ang nagdarasal para sa iyo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 16

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang malapit mo na matapos ang isang proyekto na matagal mo nang sinimulan. Konting tiis na lang at huwag ka na tamarin.
Love:
Couples: Kung masyado kang busy sa iyong mga gawain, kamustahin mo ang iyong partner kahit na papaano para hindi siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Mukhang marami ka namang naipon, kaya hindi ka masyadong mamomroblema kung madelay ang iyong sahod.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Marerealize mo na may mga bagay talaga na hindi mo kayang kontrolin, kahit na ibigay mo pa ang 100 percent effort mo.
Love:
Singles: Mukhang may taong magkakagusto sa iyo. Iyon nga lang, baka hindi mo siya matipuhan lalo na kung malalaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Tipirin mo na lang muna ang iyong pera kaysa gastusin mo sa isang bagay na hindi mo naman talaga kailangan.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Dapat ay magmove on ka na. Marami ka pang mga bagay na pwedeng gawin kaya naman huwag ka na maging moody.
Love:
Couples: Kung naiintindihan ninyo ang struggles ng bawat isa, mas lalong titibay ang inyong relasyon at hindi kayo basta-basta mapaghihiwalay.
Money/Career:
Kahit na gaano pa karami ang iyong mga ginagawa para kumita, parang hindi pa rin ito sasapat sa iyong mga bayarin.
Lucky color: Gold
Lucky number: 5

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na bumisita sa inyo ang iyong mga kaibigan o kamag-anak, kaya naman huwag mong kalimutan na ipaghanda sila.
Love:
Couples: Kung may gusto kang icelebrate ngayong araw, gawin mo lang itong simple pero memorable.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap ka na balita ngayong araw lalo na kung nag-apply ka kamakailan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang talented ka namang tao, kaya magtiwala ka sa iyong sarili. Huwag ka kaagad panghihinaan ng loob.
Love:
Couples: May chance na mag-away kayong dalawa ngayong araw, lalo na kung stressed ang isa sa inyo.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang iyong mga lakad ngayong araw kung kaya mo. Mas mabuting magpahinga ka na lamang.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 17

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Umiwas ka na lang sa isang tao lalo na kung masyado na siyang makulit at hindi sumusunod sa mga sinasabi mo.
Love:
Couples: Kung napapansin mo na medyo wala sa focus ang iyong partner, subukan mong yayain siya sa isang dinner at pag-usapan ito.
Money/Career:
Huwag ka muna magsalita ng tapos ngayong araw, dahil may chance na magkamali ka lang.
Lucky color: Black
Lucky number: 23

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Lumayo ka na lang sa mga taong masyadong mayabang para hindi na masira ang iyong araw. Hindi mo na rin dapat sila pinapansin.
Love:
Couples: Kung hindi ka magiging open sa iyong partner, tiyak na magkakaroon kayo ng problemang malaki at magresulta ito sa inyong pag-aaway.
Money/Career:
May chance na may taong magbayad sa iyo ngayong araw ng kanyang utang.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para gumawa ka ng desisyon tungkol sa isang bagay. Ipagpaliban mo muna ito para makapag-isip ka pa.
Love:
Couples: Kung masaya ka naman sa inyong relasyon, dapat ay nararamdamin din ng iyong partner na talagang masaya ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: White
Lucky number: 21

Comments

Written by Adrian Bigno

Civil engineer by degree, photographer and graphic designer by heart.

NUTAM: “The Stepdaughters” hits a bull’s eye on “Asintado”

Ruru Madrid is mistaken for Dingdong Dantes in Cebu