Aries (Mar 21 – Apr 19)
Gawin mo lang ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Kung hindi ka naman sigurado, huwag kang mahiyang magtanong sa iba.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga siya, subukan mo siyang yayain sa isang event at baka naman pumayag siya.
Career:
Huwag ka na lamang magpaapekto sa drama ng ibang tao, lalo na kung hindi naman sila gaano kaimportante sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 30 40 24 16 46 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka magtagal sa isang lugar kung hindi naman kailangan. Tiyak na marami ka pang dapat na gawin kaya huwag na pumetiks pa.
Love:
Couples: Huwag ka na magtaka kung minsan ay tinotopak ang iyong partner. Tanggapin mo na lang na ganun talaga siya.
Career:
Wala namang magagalit sa iyo lalo na kung ginawa mo lang ang bagay na inutos sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 4 37 26 55 10 43
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may maaalala ka ngayong araw na dapat mong gawin kaya naman hindi ka mapapagalitan ng iba.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa partner mo ngayong araw, lalo na kung feeling mo ay need mong bumawi sa kanya.
Career:
Huwag kang magpanggap na alam mo ang isang bagay at baka mapagalitan ka lang sa huli.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 35 12 48 36 33 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Matagal mo nang hinahanap ang sagot sa iyong tanong, pero may chance na kaya hindi mo ito mahanap dahil tumitingin ka sa maling lugar.
Love:
Singles: Bigyan mo ng chance ang sarili mo na magmahal muli. Huwag kang matakot pero huwag mo ring kalimutang mag-ingat.
Career:
Mukhang madali mo lang malulusutan ang isang problema mo ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 36 31 34 24 46 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Liwanagin mo sa isang tao ang iyong gusto. Huwag mo siyang pahulain para hindi na sumakit pa ang ulo niya.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para gumawa kayo ng isang bagay na maeenjoy ninyo. Chance ninyo na para magbonding.
Career:
Magrelax ka lang. Huwag agad iinit ang ulo mo sa isang bagay lalo na kung hindi naman ito totoo.
Lucky color: Cream
Lucky numbers: 43 2 4 21 37 50
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo lang idaan sa chat ang gusto mong sabihin sa isang tao. Kausapin mo siya ng personal para mas may effort.
Love:
Singles: Ayusin mo na agad ang schedule mo para naman makapunta ka sa dapat mong puntahan at para hindi ka magkaroon ng aberya.
Career:
Mukhang matutuwa sa iyo ang ibang tao ngayong araw lalo na kung ililibre mo sila.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 38 21 37 3 11 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong kontakin ang isang tao ngayong araw. Malay mo, magreply na siya sa iyo at hindi ka na niya iwasan.
Love:
Singles: Para makilala mo pa siya nang lubusan, subukan mo siyang tanungin tungkol sa mga hilig niya.
Career:
Huwag mo na iasa sa ibang tao ang iyong mga gawain dahil may chance na magkamali sila.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 49 43 53 46 29 52
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mo lang lumingon sa tamang daan para makita mo ang hinahanap mo. Makinig ka rin sa sinasabi sa iyo ng ibang tao.
Love:
Singles: Kung aattend ka sa isang family gathering, huwag kang magtaka kung meron sa kanila ay hindi ka na mamukhaan.
Career:
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, mas mabuting sundin mo kung ano ang una mong naisip.
Lucky color: Rainbow
Lucky numbers: 51 26 29 48 36 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang kailangan mo na maghanap ng ibang paraan para sa iyong problema, lalo na kung hindi na gumagana ang nakasanayan mong paraan.
Love:
Singles and Couples: Panahon na para makabawi ka sa mga taong hindi mo masyado nakakasama lalo na kung meron kayong reunion.
Career:
Huwag ka magdamot ng pagkain sa iyong mga kasama. Bigyan mo sila kung hihingi sila sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 19 41 4 24 38 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung feeling mo ay nagiging unfair sa iyo ang isang tao, sabihin mo ito sa kanya dahil may chance na hindi lang siya aware dito.
Love:
Couples: Huwag ka mag-expect sa partner mo ng isang bagay lalo na kung wala ka namang sinasabi kung ano ang gusto mo.
Career:
Lumayo ka na lang sa isang tao lalo na kung palagi ka na lamang niya kinukulit.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 49 28 21 37 5 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang mahihirapan ka na pakisamahan ang isang tao, lalo na kung meron siyang nagawang mali sa iyo dati.
Love:
Singles: Mukhang magiging balisa ka ngayong araw. Pero huwag ka na masyadong mag-alala dahil lilipas din naman ito.
Career:
Umuwi ka nang maaga ngayong araw para naman makatulong ka sa mga gawain sa bahay.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 7 35 32 36 19 40
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Gawin mo ang lahat para mapansin ka ng ibang tao. Ito na ang chance mo para magpasikat sa kanila.
Love:
Singles: Gamitin mo ang araw na ito para lalo mo pang makilala ang isang tao para maging close na rin kayo.
Career:
Huwag mo susukuan agad ang isang idea, lalo na kung kabilib-bilib ito kapag nagawa mo.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 18 38 1 53 17 40

