Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong mapadali ang iyong mga gawain, subukan mong maghanap ng taong tutulong sa iyo na hindi reklamador.
Love:
Singles: Kung bored ka na sa mga ginagawa mo, subukan mong maghanap ng bagong hobby at malay mo, may makilala kang bagong kaibigan.
Career:
Huwag mo na ipilit ang isang bagay lalo na kung napaglipasan na ito ng panahon.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 1 54 5 26 17 51
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na tanggihan pa ang isang bagay, lalo na kung binibigay naman sa iyo ito ng libre. Huwag na maging choosy.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng problema ngayong araw kaya naman makikita ng ibang tao ang stress sa iyong mukha.
Career:
Huwag ka na muna magmadali. Magiging stressed ka lang kung pipilitin mo ang iyong sarili.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 43 17 54 5 20 32
Gemini (May 21 – Jun 20)
Dapat ay handa kang unahin ang mga bagay na importante, kahit pa wala ka masyadong makukuha sa mga ito.
Love:
Singles: Subukan mong sumali sa mga online groups para naman marami kang matutunan sa isang bagay na gusto mo.
Career:
Huwag mong hayaan na basta-basta ka na lang utusan ng isang tao ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 30 15 41 4 54 45
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang wala talagang makakapigil sa mga gusto mong gawin ngayong araw, pero dapat ay pinag-iisipan mo rin ang iyong mga kilos.
Love:
Singles: Gamitin mo ang charm mo para humingi ng favor sa isang tao, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Career:
Mukhang panahon na para magsimula ka ng bagong project para naman mabuhay naman ang dugo mo.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 3 9 22 36 20 48
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mong madaliin ang mga bagay na kailangan mong gawin ngayong araw para naman hindi ka magkamali sa mga ito.
Love:
Singles: Subukan mong yayain na lumabas ang iyong mga kaibigan, lalo na kung tinatamad ka na sa inyong bahay.
Career:
Tanggapin mo na lamang ang isang bagay, lalo na kung wala ka rin namang choice tungkol dito.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 58 5 39 1 40 43
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang mag-alala kung hindi mo makuha ang isang bagay. Tiyak may friend ka naman na handang tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may pag-aawayan ulit kayo ng iyong partner, pero hindi naman ito magiging grabe dahil magagawa ninyo agad ito ng paraan.
Career:
Nasa tama naman ang pag-iisip mo, kaya huwag kang matakot na gumawa ng desisyon.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 22 6 39 41 34 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maiintindihan naman ng ibang tao ang gagawin mo, lalo na kung mapipilitan ka na talagang ituloy ang isang bagay.
Love:
Couples: Huwag ka na magkwento muna ng mga problema mo sa pag-ibig sa iyong mga kaibigan, dahil tiyak na sawa na sila mga ito.
Career:
Kung hindi mo seseryosohin ang mga bagay-bagay, walang tao ang maniniwala sa mga sinasabi mo.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 9 47 5 10 2 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao. Dapat ay i-consider mo rin ang mga feedback nila para malaman mo kung tama ba ang ginagawa mo.
Love:
Singles: Mukhang maganda ang araw na ito para aminin mo sa isang tao kung ano talaga ang iyong nararamdaman para sa kanya.
Career:
Dapat ay mahalin mo ang iyong trabaho, para naman hindi ka tamarin sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 25 43 27 15 22 47
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may taong tutulong sa iyo ngayong araw at may malaking chance na natulungan mo rin siya dati.
Love:
Couples: Huwag ka na magalit sa iyong partner lalo na kung nagsorry na siya sa iyo. Huwag mo na palakihin pa ang problema.
Career:
Nasa iyo ang kakayahan para maging isang magaling na leader. Kailangan mo lang maging confident sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 22 56 37 24 14 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring sawa ka na sa mga ginagawa mo araw-araw, pero bilib talaga ang ibang tao sa mga ito kaya huwag kang susuko.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang sitwasyon ng partner mo. Subukan mong ilagay ang iyong sarili sa kanyang mga paa.
Career:
Magtiwala ka sa maiisip mong idea ngayong araw dahil may malaking chance na magtagumpay naman ito.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 6 42 13 35 14 55
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gamitin mo ang iyong advantage para maunahan mo ang ibang tao sa kanilang mga gawain. Panahon na para magpakitang-gilas ka.
Love:
Couples: Kung gusto mo talagang bumilib sa iyo ang iyong partner, gawin mo na ang matagal na niyang sinasabi sa iyo.
Career:
Maging honest ka na lamang sa ibang tao. Kung napapansin mo na mejo iritable sila, ikaw na mismo ang lumayo.
Lucky color: Cream
Lucky numbers: 26 19 48 11 50 53
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may malaking chance na mapansin ka ng maraming tao ngayong araw, dahil bibilib sila sa gagawin mo.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng pagkakataon para makausap ang crush mo ngayong araw. Huwag ka maging awkward sa harap niya.
Career:
Hindi porke may skill ka sa isang bagay ay alam mo na ang lahat ng bagay tungkol dito. Marami ka pagn dapat na matutunan.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 41 6 43 37 4 31

