6 years ago pa pala nang huling makatuntong si Jervi Lee na mas kilalang Kaladkaren Davila sa GMA Network.
Bilang parte ng ng MMFF Summer Edition movie na ‘Here Comes The Groom,’ nag-guest si Kaladkaren kasama ang kanyang mga co-stars na sina Xilhouete, Iyah Mina para magpromote ng kanilang movie sa ‘Family Feud’ hosted by Dingdong Dantes.
Post niya kanina sa Twitter, “After 6 years, ngayon lang nakabalik sa GMA!!!! Ang saya maglaro sa @familyfeudph kasama ang cast and producer ng HERE COMES THE GROOM vs VIVA MAX BOYS”
After 6 years, ngayon lang nakabalik sa GMA!!!! Ang saya maglaro sa @familyfeudph kasama ang cast and producer ng HERE COMES THE GROOM vs VIVA MAX BOYS pic.twitter.com/rWcYbKDBt1
— KaladKaren (@jervijervi) April 3, 2023
Ipapalabas ang ‘Here Comes The Groom’ sa mga sinehan sa buong bansa simula April 8 kasama ng 7 pang kalahok sa festival.
#FamilyFeudPH #Teaser: Ang Team GROOM's MAIDS vs THE STALLIONS naman ang sasabak sa intense hulaan! Sino kaya sa kanilang dalawa ang magwawagi?
Bumisita sa https://t.co/77amOrIAUR at panoorin ang Kapuso Stream tuwing weekdays, 5:40 PM sa YoüLOL Facebook at YouTube. pic.twitter.com/ImKT5CDrnB
— GMA Network (@gmanetwork) April 2, 2023
Bago pa man siya sumikat bilang Kaladkaren Davila, siya ay naging creative writer at floor director sa ‘Eat Bulaga’ at writer sa TV5. Matapos makilala bilang KaladKaren, sunod-sunod na ang naging proyekto ni Jervi sa showbiz. Maliban sa magandang karera, masaya rin si Jervi sa relasyon niya sa kanyang nobyong Briton.