Real-life couple Dennis Trillo and Jennylyn Mercado addressed rumors suggesting they might eventually grow tired of one another, especially now that they live under the same roof and are also working on the same show.

Some speculated that being together 24/7 might take a toll on their relationship. But the couple set the record straight.
“Pag mahal niyo ang isa’t isa, kahit gaano katagal kayong magkasama, kahit magkasama kayo sa trabaho, magkasama kayo sa bahay, kung talagang gusto mo siyang makasama, parang… pag nandun ang pagmamahal, never kayong magsasawa, eh,” said Dennis.
“Lalo na kapag lagi kayong gumagawa ng mga bagong bagay, mga exciting na ginagawa. And feeling ko, importante pa rin ‘yung may time pa rin kayo para sa isa’t isa, nasa trabaho man o hindi, dapat hindi niyo makalimutan na meron kayong time para mag-date paminsan-minsan, or a quick getaway.”
Jennylyn also chimed in with her thoughts on their work setup.
“Para sa akin, okey na magkasama kami sa trabaho, kasi clingy ako. Hahahaha!”
She explained how they separate their personal and professional lives: “Medyo ano… kasi pag sa bahay iba yon. Nasa bahay kami bilang mga magulang, bilang mag-asawa. At pagdating sa set, mga artista kami. “Hindi namin kumbaga… kahit nag-aaway kami, o may problema kaming dala-dala, hindi puwedeng makita yon sa set.
“Kailangan gawin niyo na muna ang trabaho niyo. Pagdating sa bahay, doon niyo pag-usapan ang problema. Ganun kami magtrabaho, at ganun kami bilang mga tao. Kasi, ang hirap kapag dinala mo ang problema mo sa set, maapektuhan ang trabaho, `yung buong set bibigyan mo pa ng problema.”
Despite the rumors, Jennylyn said she enjoys working with Dennis: “Masaya naman na magkatrabaho. Hindi naman ito `yung parang hindi okey na palagi kaming magkasama. Masaya nga, kasi lagi kaming magkasama, kahit sa trabaho.”
She also shared how their dynamic makes it easier to grow together professionally: “At saka, maganda yung hindi na kami nahihiyang sabihin sa isa’t isa yung… puwede mo itong gawin, o parang hindi okey ang ginawa mo, na dapat ganito o ganiyan.
“Pag mag-asawa kasi kayo, hindi na nakakailang, eh. Merong mga criticism talaga, na madali niyong masabi sa isa’t isa, na hindi kayo masasaktan. Hindi katulad sa iba, like kung co-artist mo, na sasabihan mo ng ganun, parang medyo off, nakakahiya.”
“Kami parang okey, kasi si Dennis nga parang naging acting coach ko na rin. Hahahaha! So, parang ganun, kaya suwerte na rin. Hahahaha!”
Their upcoming series ‘Sanggang Dikit FR’ premieres June 23 on GMA Prime. The show blends comedy, drama, romance, and action—something new for both actors.
“Ito yung genre na hindi pa talaga namin nagagawa. Maaksiyon talaga. ‘Super Twins’ pa yung last na action na ginawa namin. Hahahaha!” Dennis shared.
In the show, Jennylyn plays Roberta “Bobby” Enriquez and Dennis stars as Antonio “Tonyo” Guerrero, under the direction of L.A. Madridejos and Kevin De Vela.

