GMA Integrated News reporter and anchor Bernadette Reyes has spoken out after becoming the subject of online mockery for her viral photo covering the recent floods. In the image, Reyes is seen wading through floodwaters with her cameraman while delivering a news report.

In a Facebook post on July 22, Reyes expressed her dismay over how her post was copied and altered online.
“Nakakalungkot na marami ang kumopya ng post ko at sa halip na makita ang sakripisyo namin, ginawa pang katatawanan, pinalitan ang mensahe para pagkakitaan. Sa mga susubok gumawa nito, I’ll take action para mabura ang account/page and will take legal action as well,” she wrote.
Reyes emphasized that while she can endure criticism, it’s her family who is deeply affected.
“Kung ako lang ang naaapektuhan, kaya kong palagpasin pero may pamilya ako na nasasaktan. Pamilya na iniiwan ko tuwing may sakuna para magbalita at magsakripisyo para sa bayan.”
She also reflected on how repetitive coverage of floods is often taken for granted, despite the continuing danger.
“Marahil hindi nakikita ng iba ang halaga ng paulit-ulit na balita tungkol sa baha pero natuto ba ang lahat? Taon-taon marami pa rin nagkakasakit ng leptospirosis, tuwing may baha marami pa rin ang hindi alam kung anong gagawin, saan hihingi ng tulong at marami pang iba dahil hindi naniniwala o hindi nanonood ng balita.”
Reyes recalled the risks she and her fellow journalists took during the COVID-19 pandemic.
“Nalimot na ba ang mga panahon ng COVID na habang takot ang marami na lumabas, kasama kami sa mga patuloy na sinugal ang buhay sa labas, di alintana kung dapuan kami ng COVID para maibalita sa inyo ang kalagayan ng mundong sinubok ng nakamamatay na sakit. Mga panahong hindi kami pinilit na mag-cover sa labas pero kami na mismo ang nagsabi na gagawin namin ito para sa bayan.”
Despite the hurtful reactions, she maintained grace in her response.
“Sa kabila nito, sa mga nag-post ng hindi kanais-nais, sa mga naniwala sa mga paninirang post, hangad ko pa rin ang kaligtasan nyo dahil kaya kami nakikipagsapalaran ngayon para sa kaligtasan nyo.”
Reyes concluded with heartfelt thanks to those who supported her: “Sa mga naka-suporta sa’kin, sa lahat ng mensahe ng suporta at pagmamahal, nababasa ko po lahat at nagpapasalamat po ako dahil nandiyan kayo.”
In a separate post, Reyes shared the original caption to her flood coverage photo, offering a glimpse into her emotional and physical experience: “Tuwing may bagyo, habang marami ang nasa loob ng bahay, nanonood ng TV, kumakain o nagtutulog, kami heto lubog sa baha… Tulog pa ang anak ko nang umalis ako sa bahay ala sais ng umaga. Gusto ko sanang yakapin pero hindi na muna, baka magising. May halong lungkot nang sinara ang pinto kasi hindi ko na naman alam kung anong oras ako uuwi.”
“Gutom ka na pero nagpalipas ka na ng gutom, pagod ka na pero may nahuhugot ka pa rin na lakas dahil kailangan may magbalita… Mahirap ipaliwanag kung bakit pero hindi na kailangan pang ipaliwanag kung para saan… Para sa bayan. Uulit-ulitin para sa bayan.”
Though she has received praise and empathy, one netizen left a particularly vile comment, which Reyes also shared: “Pu… ina dami mo arte buti ka nga may trabaho kami kya nandito sa loob ng bahay walang trabaho… Drama mo.”
Reyes responded calmly: “Kung hindi niyo po ma-appreciate ang ginagawa namin, huwag niyo na lang akong murahin. May ilang trabaho na in-offer sa akin, double ang sahod at hindi ko kailangan magtrabaho tuwing bagyo pero pinipili kong maghatid ng balita para sa mga tulad n’yong nasa bahay para alam n’yo ang sitwasyon sa labas. Sana ay ligtas kayo. God bless.”
And in another post, she reiterated: “Ilang beses n’yo man akong murahin o kutyain, patuloy akong magsisilbi sa bayan. Uulit-ulitin para sa bayan.”
