Narito na ang isa sa mga pinakahihintay na shopping event tuwing panahon ng Kapaskuhan— ang Celebrity Ukay-Ukay ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar!
Sari-saring mga bongga at napaka-stylish na pre-loved fashion items ng favorite Kapuso stars ang mabibili sa Celebrity Ukay-Ukay. Bukod pa rito, maraming mapagpipilian na unique Filipino handicrafts, at mga artisanal culinary creations na siguradong tatampok sa mga foodie.
Syempre pa, ang bawat pagbili sa Celebrity Ukay-Ukay at iba pang products mula sa Noel Bazaar ay makatutulong sa ating mga kababayan, sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation.
At malay ninyo, habang nagsa-shopping ay pwede rin kayong may makasabay na Kapuso star sa Noel Bazaar!
Kaya shop with a heart tayo, mga Kapuso, hanggang November 30 sa World Trade Center.

