Hindi lang sa TV hit ang Gabi ng Lagim ng Kapuso Mo, Jessica Soho dahil maging sa mga sinehan nationwide ay tinatangkilik ito ng moviegoers!
Mula nang ipalabas ito sa mga sinehan noong November 26 ay certified box office hit na ang KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie na produced ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.
Dumog din ang mga tao sa mga mall na pinupuntahan ni KMJS host Jessica Soho kasama ang cast ng pelikula. Nakatutuwa dahil buhay na buhay ang local film industry. Sana nga ay magpatuloy pa ito.
Para sa mga hindi pa nakakanood, hindi pa huli. Sugod na sa paborito ninyong sinehan at panoorin ang Horror Movie ng Sambayanan – KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie.

