Close Menu
  • Home
  • Ratings
  • Showbiz News
  • Horoscope
  • Tech Jungle
  • BIZnest
  • Brands
  • Movies
  • Music
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
What's Hot

LG Unveils UltraGear Evo, Redefining 5K Gaming With World’s First AI Upscaling Technology

February 17, 2026

Kat Bautista Named Judge for 13th Asia‑Pacific Stevie Awards

February 17, 2026

Vice Ganda draws laughs over quip about Alvin Aragon on ‘It’s Showtime’

February 17, 2026
Facebook X (Twitter) Instagram
Facebook X (Twitter) Instagram YouTube TikTok
LionhearTVLionhearTV
  • Home
  • Ratings
  • Showbiz News
  • Horoscope
  • Tech Jungle
  • BIZnest
  • Brands
  • Movies
  • Music
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
LionhearTVLionhearTV
Home»Press Release»National Time Consciousness Week: Makabagong pananaw laban sa ‘Filipino Time’ ngayong bagong taon
Press Release

National Time Consciousness Week: Makabagong pananaw laban sa ‘Filipino Time’ ngayong bagong taon

Lion's DenBy Lion's DenJanuary 3, 2026No Comments5 Mins Read
Share
Facebook Twitter Reddit Pinterest Email

Ngayong papasok na naman ang bagong taon, iba’t ibang new year’s resolution ang nasa listahan ng mga Filipino.

Ang opisyal na banner ng Oras Pinas: Filipino, On Time Ka! na kampanya ng Department of Science and Technology para sa pagdiriwang ng National Time Consciousness Week ngayong darating na ika-1 hanggang 7 ng Enero 2026.

Isa marahil dito ang hindi na pagiging late o huli sa mga lakad o appointment.

Kaya naman kaugnay nito, isinusulong ng Department of Science and Technology o DOST, katuwang ang Science and Technology Information Institute (DOST-STII) at ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ang pagdiriwang ng National Time Consciousness Week ngayong darating na ika-1 hanggang 7 ng Enero 2026.

Sa episode ng Radyo Siyensya nitong Disyembre 27, 2025, itinampok ang kampanyang “Oras Pinas: Filipino, On Time Ka!” na naglalayong tuluyan nang wakasan ang negatibong kultara ng Filipino time o ang pagiging palaging huli.

Si Allan Mauro V. Marfal, information officer mula sa DOST-STII (kanan) kasama sina DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr (kaliwa, itaas) at Onin Miranda (kaliwa, ibaba) sa Radyo Siyensya tampok ang Oras Pinas campaign bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Time Consciousness Week ngayong darating na ika-1 hanggang 7 ng Enero 2026.

Nais ng adbokasiya na baguhin ang pagkakakilanlan ng mga Filipino at maisa-isip ang Oras Pinas bilang bagong Filipino time––isang simbolo ng pagiging on-time, disiplinado, at may respeto sa oras ng iba.

Paliwanag ni Prof. Xiao B. Chua, may dalawang maaaring paliwanag tungkol sa kasaysayan at ebolusyon ng Filipino time–ang pagkahuli bilang ‘status symbol’ noong panahon ng mga Espanyol at bansag ng mga American colonial administrators bilang dahilan kung bakit mga tamad ang mga Filipino.

Si Prof. Xiao B. Chua (kanan) kasama sina DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr (kaliwa, itaas) at Onin Miranda (kaliwa, ibaba) sa Radyo Siyensya tampok ang Oras Pinas campaign bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Time Consciousness Week ngayong darating na ika-1 hanggang 7 ng Enero 2026.

Noong panahon aniya ng mga Espanyol, naging kaugalian ang pagpapatigil o pagkaantala ng mga palabas tulad ng teatro dahil kailangan pa aniyang hintayin ang pagdating ng mga matataas na opisyal na kadalasang nagpapahuli bilang simbolo ng kanilang posisyon sa lipunan.

Binanggit din niya si Jenny Odell na sumulat ng aklat na Saving Time: Discovering a Life Beyond the Clock na nagsabing ang Filipino time ay naging bansag ng mga American colonial administrator dahil nakikita nilang mga tamad ang mga Filipino noong unang panahon.

Pero paliwanag ni Chua, bago ang kolonisasyon, ang mga ninuno ay walang konsepto ng de-oras na relo.

“Ang konsepto ng oras para sa mga ninuno natin ay panahon o spatial na nakabatay sa posisyon ng araw tulad ng takipsilim [o] dapithapon at sa mga siklo ng kalikasan gaya ng pag-aani at pag-inog ng buwan,” paliwanag niya.

Si Engr. Mario M. Raymundo, weather specialist mula sa DOST-PAGASA (kanan) kasama sina DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr (kaliwa, itaas) at Onin Miranda (kaliwa, ibaba) sa Radyo Siyensya tampok ang Oras Pinas campaign bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Time Consciousness Week ngayong darating na ika-1 hanggang 7 ng Enero 2026.

Dahil dito, kaiba ang pananaw ng mga industrialista na naniniwalang “ang oras ay pera,” habang ang mga Pilipino naman ay may mas maluwag na konsepto ng oras, lalo na sa pagdating sa pamamahinga.

Sa kabila ng negatibong bansag, naniniwala si Prof. Chua na ang kultura ay maaaring mabago sa pamamagitan ng tamang impormasyon at kamalayan. Binigyang-diin din niya na hindi lamang ito basta usapin ng pagbabago ng ugali kundi usapin din ng sistema.

Ayon naman kay Engr. Mario M. Raymundo ng DOST-PAGASA, nabuo ang Republic Act 10535 o ang Philippine Standard Time Act of 2013 upang itama ang maling kaisipan ng mga Filipino hinggil sa Filipino time, lalo na at marami dating hindi sumusunod sa tamang oras.

Sa tulong ng teknolohiya at tamang impormasyon mula sa DOST-PAGASA bilang opisyal na time-keeper ng bansa, hinihikayat rin ang lahat ng sangay ng pamahalaan, pribadong sektor, at bawat mamamayan na i-set ang kanilang mga orasan sa Philippine Standard Time (PhST) sa ilalim ng pangangasiwa ng DOST-PAGASA.

Noong 2015, nakakuha ang PAGASA ng bagong kagamitan sa oras na kilala bilang PAGASA’s Precise Time-Scale System. Ang kagamitang ito ay isang malayang timing chain (real-time clock) na binubuo ng tatlong high-performance cesium clocks, isang real-time clock na naka-ugnay sa UTC gamit ang impormasyon sa oras mula sa GNSS, at may mga distribution para sa 5 MHz, 10MHz, AM/DC IRIG-B, 1 PPS, at NTP.

Ang kagamitan sa oras ay halos kasinglaki ng isang malaking repridyeretor, binubuo ng tatlong high-performance atomic cesium clocks para sa holdover redundancy, at nakasaksak sa Network Time Protocol (NTP) ng Philippine Standard Time. Ang atomic clock ay nagsasabi ng oras sa pamamagitan ng pagsukat sa oscillation o paggalaw nang pabalik-balik ng mga energized na atom sa loob ng isang electromagnetic field.

Binigyang-diin din ng DOST na ang pagbabago ng kaisipan hinggil sa oras ay isang mahalagang hakbang para sa ekonomiya dahil ang mga pagkaantala ay nagdudulot ng malaking lugi sa kita at mga pagkakataon sa buhay.

Pinatutunayan ito ng isang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency, na nagsabing umaabot sa PhP 3.5-bilyon ang pagkalugi ng Pilipinas araw-araw dahil sa malalang trapiko sa Metro Manila na nakakaapekto sa produksyon at pamumuhunan.

Upang mas mapalakas ang kampanyang ito, ibinalita ni Allan Mauro V. Marfal, information officer mula sa DOST-STII, ang pakikipagtulungan ng kagawaran sa Project W.A.T.C.H. (We advocate Time Consciousness and Honesty) ng JCI Senate Philippines at sa SM Prime.

Inaayayahan ng DOST ang publiko na maki-isa sa pagdiriwang ng National Time Consciousness Week mula January 1-7, 2026 sa pamamagitan ng pagse-set ng oras ayun sa Philippine Standard Time https://oras.pagasa.dost.gov.ph.

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Oras Pinas, sundan ang www.facebook.com/DOSTPh. #OrasPinas2026 #2026NTCW

Comments

Department of Science and Technology DOST-STII National Time Consciousness Week
Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Reddit Email
Previous Article53rd Atomic Energy Week pushes innovation and fact-based nuclear advocacy for national development
Next Article Kenny Rogers Roasters Expands Its Eat Healthy Everyday Lineup with New Healthy Plates
Lion's Den
  • Website
  • Facebook
  • X (Twitter)
  • Instagram

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories. Readers are always encouraged to drop us their thoughts either by either by leaving a comment on a post, or contact us directly – email us at lionheartvnet@gmail.com.

Related Posts

LG Unveils UltraGear Evo, Redefining 5K Gaming With World’s First AI Upscaling Technology

February 17, 2026

Kat Bautista Named Judge for 13th Asia‑Pacific Stevie Awards

February 17, 2026

POP MART Opens Its Third Official Store at SM North EDSA Just in Time for Valentine’s Day

February 17, 2026

Experience the Grandeur of Verdi’s La traviata at Opus and NUSTAR Premier Cinemas

February 17, 2026
Add A Comment

Comments are closed.

Find us on Facebook
Blogmeter.Top



Trending

LionhearTV continues to grow: Strengthening BIZNest, Tech Jungle, and RAWRTrip for 2026

February 14, 2026

15 Adored PH Celebrity Loveteams That Eventually Parted Ways

February 2, 2026

25 Best Teleseryes of 2025

January 14, 2026

GMA Pictures rolls out ambitious 2026 film slate, highlights animated features and major industry collaborations

January 7, 2026

Invited but silent: Celebrities, Influencers face backlash for not promoting MMFF 2025 films

January 3, 2026
Showbiz News

Vice Ganda draws laughs over quip about Alvin Aragon on ‘It’s Showtime’

February 17, 2026

Shaira Diaz and Kristel Fulgar proudly share their decision to be “virgin brides”

February 17, 2026

Donny Pangilinan and Belle Mariano return to the big screen with ‘Tayo sa Wakas’, in cinemas May 27

February 17, 2026

Ogie Diaz defends Coco Martin amid controversy with Rod Navarro Jr.

February 17, 2026

Paulo Avelino admits sending Valentine’s flowers to Kim Chiu; actress says she “felt like a girl”

February 17, 2026
Most Viewed

LG Unveils UltraGear Evo, Redefining 5K Gaming With World’s First AI Upscaling Technology

February 17, 2026

Kat Bautista Named Judge for 13th Asia‑Pacific Stevie Awards

February 17, 2026

Vice Ganda draws laughs over quip about Alvin Aragon on ‘It’s Showtime’

February 17, 2026

POP MART Opens Its Third Official Store at SM North EDSA Just in Time for Valentine’s Day

February 17, 2026

Experience the Grandeur of Verdi’s La traviata at Opus and NUSTAR Premier Cinemas

February 17, 2026
eMVP Digital is an online empire that useful pieces of information and a resource for a daily dose of entertainment in all forms. It produces LionhearTV.net, Dailypedia.net, RAWR Awards, RAWRMag, DailyPIPOL, and Broken Lion. These platforms have a highly-engaged audience per month, which varies from ages and sexes.



Blogmeter.Top
© 2026 LionhearTV.net.
  • Home
  • Ratings
  • Showbiz News
  • Horoscope
  • Tech Jungle
  • BIZnest
  • Brands
  • Movies
  • Music
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.