Soon-to-be-wed couple Kim Molina and Jerald Napoles opened up about the painful experiences they faced when they were just starting out in showbiz, describing them as “nightmares” they will never forget.

Jerald recalled a traumatic incident involving a television production early in his career.
“Noong nagsisimula ako, may isang tv show na kinuha ako sa pamamagitan ng isang agent, eto ‘yung gagawin, eto ‘yung karakter, so pumunta ako,” he began.
He described the ordeal in detail.
“Nightmare siya sa akin, kasi lagi ko siyang kinukwento kasi nadala ako. Pumunta ako sa call time kung saan ang pull-out. Pagdating ko sa pull-out sumakay kami ng jeep papuntang Nasugbu, Batangas. Doon ako kukunan sa isang eksena ko, isang eksena lang naman.”
Upon arriving, confusion followed.
“Pagdating ko roon naghintay ako sa unit na ‘yun, tapos ang sabi ng production doon pala ako sa kabilang unit. So, nag-tricycle ako papunta sa kabilang unit. Sinabi lang sa akin ‘yung address doon sa kabilang unit at pumunta na ako.”
He said he waited for hours without updates.
“Mga alas 12 ng tanghali that time, tapos tumambay muna ako at kung ano-ano ginawa ko para malibang, then nakatulog ako, nagising ako alas 3 ng madaling araw. Pack-up na, nag uwian na. Walang nagsabi sa akin na pack-up ka na, walang nagsabi na hindi ka na kukunan. Ang natitirang pera ko noon 250 pesos. Hindi ko sure kung makakauwi pa ako from Nasugbu to Manila.”
Jerald admitted he was scared and unsure what to do.
“So natatakot na ako, ano bang gagawin ko? Tapos ‘yung pinag-shootingan pa namin eh parang missing village. So, desidido na ako na makikituloy na muna ako kung sino man ang nandoon.”
He eventually found a van from the production.
“Buti na lang may pa-pull out na van tapos kinatok ko sinabi ko hindi po ako nakunan. Sinabi sa akin nu’ng nasa van na staff na, hindi bukas ka kukunan. Sabi nila mag-stay ka na rito.”
However, no accommodation had been arranged.
“Pero hindi ko alam kung saan ako mag-stay. Sabi lang sa akin mag tricycle ka papunta sa hotel. Pagdating ko sa hotel, wala naman akong kwarto. So, ginawa nila, siguro naging aware sila na kanina pa ito ah. Ginawa nila pinag-check-in ako sa kabilang cottage na resort. Nakunan naman ako kinabukasan ng alas 5 ng hapon.”
Asked if he ever confronted the production now that he is successful, Jerald said: “Hindi na eh. Kasi para sa akin, ayaw ko magtanim ng galit. Hindi na siya parte ng ginagalawan ko ngayon, eh kumbaga iba na ‘yung pakikitungo. But, ang bawi ko na lang lagi, ‘pag nasa production ako, ang trato ko sa lahat ay pare-pareho.”
Kim, for her part, shared a hurtful audition experience before she officially entered showbiz.
“Hindi pa ako artista nito. Hindi pa ako sobrang artista talaga, pero pumunta ako sa isang lugar para mag-audition. Nakarinig ako ng mga nag-uusap noong pumasok ako, sabi nila ‘sino ba yan? Yung mukha naman niya ay hindi naman artistahin, saka kahit ayusin ‘yan hindi naman maaayos, hindi talaga magiging artista ‘yan.”
She said the remarks continued even after she sang.
“Tapos kumanta ako that time, sabi nila buti na lang may talent siya. Pero totoo naman din ‘yung sinabi niya. May mga bagay siyang sinabi na alam ko sa sarili ko at tanggap ko.”
After she was launched and started gaining recognition, the same people allegedly changed their tone.
“Tapos noong okay na, at na-launch na ako, biglang sabi sa akin, Hi Kim! Biglang ang bait-bait na sa ‘yo, ganun, pero I still remember kung sino siya. I still remember ‘yung itsura niya, ‘yung damit niya.”
She described how deeply the moment affected her.
“Kasi alam mo ‘yung bata ka excited ka pumunta ka sa isang lugar na pinangarap mo. Tapos biglang nawala, parang hindi ka pala welcome, ay hindi ka pala enough.”
Still, Kim said the painful experience became fuel for her drive.
“But that situation help me, to push me to dream more, to work harder. But I remember that moment na sinabi niya ‘hindi naman yan ano, buti nag-workshop, sakto lang, ganun, pero na-down talaga ako ng time na ‘yun. ‘Yan ‘yung isa sa nightmare ko sa showbiz na hindi ko malilimutan na nangyari sa akin.”
Despite their early struggles, Kim and Jerald have built successful careers and are now set to reunite in the Pinoy adaptation of the Korean hit film ‘Wonderful Nightmare’, directed by RC delos Reyes under Viva Films, which will be released on February 25.

