Naging matagumpay kagabi ang naging press screening ng ABS-CBN para sa unang Linggo ng teleseryeng “Budoy.” Dinagsa ito ng press at nga mga kasamahan natin sa online community. Kumpleto rin ang powerhouse cast nito at sinamahan pa ng ilan sa kanilang mga kasamahan at kaibigan na mga celebrities at mga pamilya.
Sa teleseryeng ito pinagsama-sama ang mga dekalibreng aktor at mga dekalibreng direktor tulad nina Direk Ruel Bayani at Direk Tots Mariscal.
Muling magbabalik ang isa sa mga kinapapanabikan ng lahat sa primetime, si Gerald Anderson bilang si “Budoy” sa teleseryeng kahit bato ang puso ay maaantig sa isa na namang teleserye na ito ng ABS-CBN. Anuman ang anyo, kulay o uri ng isang tao, kailangan din niya ng pagmamahal.
Matutunghayan natin ang pagbabalik ni Gerald Anderson sa muli niyang pagbabalik sa primetime ngayong October 10, 2011. Budoy is ABS-CBN’s tribute to every Filipino family.