Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang merong taong palaging tumutulong sa iyo sa mga oras na naghihirap ka. Huwag mong ite-take for granted ang taong ito.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at talaga namang ikabibigla mo ito.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo naman ang lahat ng mga bagay na kailangan mong gawin ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka na sa sinasabi ng ibang tao at hindi ka na rin masyadong naooffend.
Love:
Couples: Huwag kang magmadali sa inyong relasyon. Magdahan-dahan ka lang at huwag ka magparpressure sa mga nakikita mo sa iba.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka ngayong araw, pero siguraduhin mo muna na meron pa ring matitira sa iyong ipon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
May mga darating na opportunities sa iyo kaya naman kunin mo lang ang sa tingin mo na kaya mong paglaanan ng maraming oras.
Love:
Singles: Kung meron ka pa ring feeling sa iyong ex at kung single pa rin siya, maaaring magkabalikan ulit kayong dalawa.
Money/Career:
Kahit na kuripot ka, sinisiguro mo naman na hindi ka nagtitipid sa taong importante sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maging mabait ka sa iyong kapwa. Dapat ay marunong ka ring magshare ng iyong blessings sa ibang tao.
Love:
Singles: Maaaring dumidiskarte ka nga sa taong mahal mo, pero mukhang hindi talaga niya naaappreciate ang mga effort mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang mabobore ka sa isang bagay ngayong araw, kaya naman may ilang mga gawain kang hindi mo matatapos.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa partner mo ngayong araw at magplano ka ng isang sorpresa para sa kanya.
Money/Career:
Mukhang nagiging okay naman ang status ng iyong career so far, kaya mas mabuting maging consistent ka na lamang sa iyong ginagawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung masyadong mataas ang iyong mga pangarap, tiyak na mas lalong mahirap ang challenges na kailangan mong harapin.
Love:
Couples: Mukhang magiging okay naman ang status ninyong dalawa at may chance na maging mas close pa kayo kaysa dati.
Money/Career:
Huwag mo masyadong maliitin ang iyong sarili dahil tiyak naman na mas may achievements ka kaysa sa nakararami.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may kailangan kang asikasuhin ngayong araw, kaya naman maghanda ka at gawin mo ito habang maaga pa.
Love:
Couples: Ingatan mo ang iyong temper dahil maaaring maibaling mo ang init ng iyong ulo sa iyong partner.
Money/Career:
Matuto ka sa iyong mga pagkakamali at gawin mo ang lahat para hindi na ito maulit pa.
Lucky color: White
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong mag-alala sa maaaring mangyari ngayong araw. Tinatakot mo lang ang iyong sarili sa mga bagay na wala namang basehan.
Love:
Singles: Intindihin mo rin naman ang sitwasyon ng ibang tao. Huwag lang puro sarili mo ang iyong iniisip.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso sa buhay, may mga tao talaga na hihilahin ka pababa.
Lucky color: Brown
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi ka naman kayang intindihin ng ibang tao, mas mabuting huwag ka na lamang magsayang ng oras kakaexplain sa kanila.
Love:
Couples: Mukhang makakatanggap ka ng sign ngayong araw kung dapat mo pa bang ipagpatuloy ang kasalukuyan mong relasyon.
Money/Career:
Okay lang naman na dumiskarte ka sa iyong trabaho, pero dapat ay huwag ka namang tamarin sa mga simpleng bagay.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na may matutunan ka ngayong araw, kaya naman iapply mo ito sa iyong buhay para mas lalo ka pang mag-improve.
Love:
Couples: Mukhang may pag-aawayan na naman kayong dalawa ngayong araw. Palipasin ninyo muna ang init ng inyong mga mula bago kayo mag-usap.
Money/Career:
Kung merong oportunidad na dumating sa iyo, kahit gaano pa ito ka-risky, kunin mo na atleast naman sinubukan mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging positibo ka ngayong araw, pero iwasan mo munang bigyan ng payo ang isa mong kaibigan dahil may chance na magkamali ka.
Love:
Couples: Magrelax na lang muna kayo ngayong araw. Pwede kayong pumunta sa mall at magchill-chill muna.
Money/Career:
Magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain, kahit gaano pa ito kahirap ngayong araw.
Lucky color: Gold
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para muli kang makipag-usap sa mga taong hindi mo na gaano nakikita lately.
Love:
Singles: Ang destiny mo ay nandiyan lang sa iyong paligid, kaso mukhang busy ka sa paglaan ng oras sa maling tao.
Money/Career:
Mukhang may paparating na pagbabago sa iyong trabaho. Maghanda ka para rito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 5

