Pinabulaanan ng direktor ng “Iglot” na si Direk Gil Tejada na hindi totoo lahat ng mga naglalabasang balita na kesyo nagrereklamo raw si Claudine sa script, na kesyo nagpapapayat pa ito or kaya’y may balak itong lumipat ng ABS-CBN.
“We’ve already had a meeting and Claudine is excited with the project,” sabi ni Direk Gil. “Also, pumayat na siya so it’s also not true she has a weight problem. Kawawa naman si Claudine at siya pang sinisisi.”
Kaya naman hindi pa natutuloy ang project dahil naghahanap pa sila ng child star na babagay sa isang napaka importanteng role sa seryeng ito.

