Kilalang mapili sa script at gagampanan si Ms. Claudine Barreto. Kaya naman marami ang natutuwa na tinanggap niya ang pagbibida sa seryeng “Iglot” sa GMA7 kung saan makakasama niya ang mga Ex-Kapamilyang sina Jolina Magdangal, MArvin Agustin at Luis Alandy.
Si Direk Gil Tejada na nga ang nagkumpirma na nagustuhan ni Claudine ang script at wala naman siyang reklamo rito.
Kaya naman sa mga fans ng ating Optimum Star, makakaasa kayo na hindi basta-basta ang kauna-unahang serye na ito ni Claudine sa GMA7. Sigurado namang marami ang nakamiss sa kanya.

