Mukhang hindi na mapipigilan si Anabelle Rama sa kanyang bantang paglipat ng kanyang anak na si Richard Gutierrez sa Kapatid Network. Noong isang araw lang kasi ay wala itong tigil sa katatalak tungkol sa pagbabawas ng talent fee ng kanyang anak samantalang guaranteed contract ito.
Kasalukuyan pang umeere ang fantaseryeng Captain Barbell sa GMA Telebabad kung saan bida si Richard. Diumano ay umabsent ito sa kanyang taping ngunit siningil pa ito sa pag-absent niya ng 280,000 ayon na rin sa sinabi ng nanay niyang si Anabelle Rama.
Nakatakda namang magtapos ang Captain Barbell ngayong July kung hindi kami nagkakamali. Ang tanong, kung totoo ngang ililipat ni Anabelle si Richard sa TV5, pigilan pa kaya ito ng GMA Network or hayaan na lang? Ang Captain Barbell ngayon ang weakest sa ratings man or takbo ng istorya sa GMA Telebabad block.

