Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong possessive sa iyong mga gamit. Kung hindi mo na naman ginagamit ang mga ito, ipahiram mo na lang sa iba o kaya’y ibenta mo na lang.
Love:
Couples: Bago ka makialam sa problema ng ibang tao, solusyunan mo muna ang mga problema mo para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpastress sa iyong trabaho. Tumawa ka paminsan-minsan para gumaan ang iyong loob.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
May mga dagdag na gawain ang ibibigay sa iyo, pero huwag mag-alala dahil magagawa mo namang tapusin ang lahat ng mga ito.
Love:
Singles: Kung nalilito ka kung sino ba dapat sa kanila ang dapat mong sagutin, huwag ka mapressure at huwag kang magdesisyon agad.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong trabaho, may mga times na napapagod ka rin. Kaya naman mas mabuting magpahinga ka kung may pagkakataon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magiging malambing ka sa maraming tao ngayong araw kaya naman may chance na may taong magkagusto sa iyo dahil dito.
Love:
Singles: Huwag ka mapressure sa iyong mga magulang kung hinahanapan ka na nila ng partner. I-enjoy mo lang ang pagiging single mo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong mga natutunan para solusyunan ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong alagaan ang iyong sarili. Kung nakakaramdam ka ng sakit, mas mabuting uminom ka ng gamot kaagad.
Love:
Couples: Magiging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman iwasan mong gumawa ng desisyon dahil maaaring pagsisihan mo ito sa huli.
Money/Career:
Matuto kang makipag-usap sa iba lalo na kung may kailangan ka. Huwag mong iasa sa iba ang obligasyon mo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang kailangan mo muna ng pahinga dahil lumalabas na sa mukha mo ang pagiging stressed. Magrelax-relax ka lang kasi.
Love:
Couples: Kahit na manalo ka sa inyong argumento, hindi mo pa rin maiiwasan na sumama ang loob niya sa iyo. Kaya pagbigyan mo siyang manalo paminsan-minsan.
Money/Career:
Huwag mo muna subukan ang iyong swerte ngayong araw. Mas mabuti kung iiwas ka muna sa pagsusugal.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring malugi ka ngayong araw. Kaya naman bago ka pumasok sa isang investment, dapat ay sigurado ka muna dito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. I-treat mo siya sa labas o kaya’y ipagluto siya.
Money/Career:
Kung ikaw ay may interview, dapat ay ipakita mong confident ka. Magsuot ka ng puti para mas swertehin ka.
Lucky color: White
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Lumayo ka sa mga tao na negative mag-isip. Hindi sila makakatulong sa iyo at maaari ka pang malasin dahil sa kanila.
Love:
Couples: Kung may plano kayong gawin ngayong araw, maaaring hindi ito matuloy. Kaya mas mabuting manatili na lamang sa bahay at magrelax.
Money/Career:
Paganda nang paganda ang performance mo sa iyong trabaho. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ito para mas lalong bumilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang kailangan mo na muna magbakasyon. Panahon na para makapagmuni-muni ka at i-relax ang iyong isipan at lumayo muna sa social media.
Love:
Couples: Kung stressed ka na sa inyong relasyon, mas mabuting bigyan ninyo muna ng space ang isa’t-isa para lumamig ang inyong mga ulo.
Money/Career:
Kung ikaw ay nag-apply sa isang trabaho, may malaking chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna magpakabusy sa trabaho. Kung may time ka na gumala, gawin mo ito para naman hindi ka masyadong stressed ngyaong araw.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para makita mo ang taong nakatadhana sa iyo. Kaya naman huwag na tamaring lumabas ng bahay.
Money/Career:
Hindi makakabuti sa iyong kalusugan kung lagi mo na lang inuubos ang iyong panahon sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may problema ka, subukan mo itong ikwento sa iyong mga kaibigan. Malay mo ay may matino sa kanila na magpayo sa iyo ng maganda.
Love:
Couples: Kung nag-eeffort ang iyong partner, magbigay ka naman kahit konting appreciation sa kanya.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng misunderstanding sa iyong trabaho kaya kung hindi ka madadamay rito, mas mabuting huwag na lang makialam.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging energetic ka ngayong araw. At dahil dito, magagawa mong tapusin ang anumang gawain na iuutos sa iyo.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong pananamit at maaaring may taong maakit sa iyong bagong itsura.
Money/Career:
Maaaring maimpluwensiyahan ka ng iyong kaibigan sa pagpili mo ng trabaho na iyong gustong pasukan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan ay aware ka sa mga nangyayari sa iyong paligid. Kung hindi ka makarelate, maaaring magkaproblema ka sa hinaharap.
Love:
Couples: Nagiging busy ka na masyado sa iyong trabaho kaya naman nawawalan ka na ng panahon para makasama ang iyong partner.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho, kaya naman hindi maiiwasan na may mga taong naiinggit sa iyong mga achievement.
Lucky color: Red
Lucky number: 7

