Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring may puntahan kang event ngayong araw, pero may malaking chance na tamarin ka at hindi dumalo rito.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner kung meron kang problema sa kanya. Huwag mong idaan sa dedmahan.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para lumabas ka kasama ang iyong mga kaibigan o dating kaklase.
Lucky color: Violet
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung gusto mong baguhin ang iyong pananamit, subukan mong magtanong sa iyong mga kaibigan at baka meron silang irecommend sa iyo.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya itigil mo muna ang panonood mo ng mga drama para hindi ito matrigger.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
May ikukwento sa iyo ang kaibigan mo. Makinig ka sa kanya at maging open-minded ka rito. Huwag mo siya agad huhusgahan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para bigyan mo ng regalo ang iyong partner. Sorpresahin mo siya at maging romantic ka sa kanya.
Money/Career:
Kung wala ng pakinabang sa iyo ang isang tao, mas mabuting i-let go mo na siya para makapagfocus ka sa ibang bagay.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman hindi masyadong matutuwa sa iyo ang ibang tao.
Love:
Singles: Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa iyo. Kaya for now, i-enjoy mo muna ang pagiging single mo.
Money/Career:
Kailangan mo muna maghigpit ng sinturon dahil mapapagastos ka na naman sa mga susunod na araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang i-check ang iyong email.
Love:
Couples: Tanungin mo ang iyong partner kung meron siyang sama ng loob sa iyo, para naman magkaroon ka na ng peace of mind.
Money/Career:
Bago mo gawin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na may sapat na oras ka para gawin ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Ito na ang tamang oras para bawas-bawasan mo ang pagiging tamad mo. Kumilos ka na kung ayaw mong mapag-iwanan.
Love:
Couples: Lambingin mo ang iyong partner. Marahil ay meron siyang pinoproblema kaya naman iparamdam mo sa kanya na sinusuportahan mo siya.
Money/Career:
Kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain. Pero kung wala kang motivation, wala ka ring matatapos sa oras.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ganyan talaga ang buhay. Minsan masaya, minsan malungkot. Basta dapat ay alam mo kung paano maging positive sa lahat ng bagay.
Love:
Couples: Iwasan mo munang makipag-away sa iyong partner. Kaya kung meron siyang gustong bagay, pagbigyan mo siya.
Money/Career:
Huwag kang mainggit sa achievements ng iyong mga kasama. Galingan mo na lang sa trabaho para meron ka ring maipagmamayabang.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may chance na magkaroon kayo ng gala ngayong araw. Kaya naman i-check mong mabuti kung meron kang excess money para makasama ka.
Love:
Couples: Huwag ka na mag-alala dahil magiging maganda naman ang future mo kasama ng iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang nagawang mali sa iyong kapwa, humingi ka kaagad ng tawad at huwag mo na ito palakihin pa.
Love:
Singles: Maging kuntento ka sa kung anong meron ka. Hindi mo naman maipagmamalaki ang isang bagay na hindi naman sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang extrang pera, hindi naman masama na itreat mo ang iyong sarili ngayong araw.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat basta maging kalmado ka lang at maniwala sa iyong sariling kakayahan.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para yayain ang barkada at manood ng pelikula. Huwag ka muna magpastress ngayong araw.
Money/Career:
Kung meron kang plano na bumili ng isang bagay o property, maaaring may magandang offer na ibigay sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw at meron itong kinalaman sa pera.
Love:
Singles: Kung merong taong hihingi sa iyo ng tawad, patawarin mo siya. Bigyan mo siya ng second chance.
Money/Career:
Kung nalilito ka sa status ng iyong career, huwag ka muna magpadalos-dalos sa iyong mga desisyon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung masyadong mataas ang iyong pangarap, dapat ay handa ka ring harapin ang mga mabibigat na challenges na kaakibat nito.
Love:
Singles: Huwag kang magpadikta sa sinasabi ng iba. Sundin mo kung ano sa tingin mo ang tama para sa iyo.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang masyadong mag-alala dahil tiyak naman na tutulungan ka ng iyong mga kasama.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 13